gabi-gabi na lang ba mababasa ang mga unan? didilat sa umaga't kikilos na tila walang pinagdaraanan? nakakapagod, nakakaubos, nakakapanlumo, pero pangako, 'di bibigyan ng puwang ang salitang pagsuko dahil kaya ko, kakayanin ko para sa sarili at pamilya ko.