Ang panulat ang aking espada. Ang libro ang aking kalasag.
Sa bawat pahinang aking binabasa, mas lalo kong minamahal ang bayan.
Isang araw, ang mga titik na ito ang magigising sa ating mga kababayan.
Ito ang aking opisyal na Account sa Twitter.
Sa aking Inay, Teodora Alonso,
Kayo ang aking unang paaralan. Sa inyong mga bisig natutunan kong bumigkas ng unang dasal. Sa inyong mga kwento natutunan kong umibig sa aking lahi. Sa inyong disiplina natutunan kong tumayo nang tuwid kahit sa gitna ng pagsubok.
#ParaKayInang
Kabataan ang pag-asa ng bayan!
Ngunit ang pag-asa ay hindi kusa. Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-aaral, disiplina, at pagmamahal sa bayan.
Kayo ang bukas. Kaya ngayon pa lang, magpakatao na kayo.
#Kabataan#PagasaNgBayan
Sa bawat gabing malayo ako sa iyo, sulat mo ang aking ilaw. Sa bawat araw na lumilipas, pangalan mo ang aking dasal.
Maghintay ka. Mag-aral ako. Magsusulat ako. Isang araw babalik ako, dala ang pangalan, dala ang karangalan, dala ang pagmamahal na hindi nagbago.
#ikawlang
Isa sa mga larong aking kinahihiligan ay ang fencing. Sa aking pananatili sa Europa, nagkaroon ako ng pagkakataong magsanay at makipagpaligsahan sa aking kaibigang si Juan Luna, na isa ring mahusay na manlalaban sa espada. Sa bawat galaw ng espada,nahahasa ko ang aking bilis, etc
Gabi-gabi akong nagsusulat sa ilalim ng lampara.
Hindi para sa sarili. Hindi para sa karangalan.
Kundi upang ilantad ang katotohanan ng ating bayan.
Masakit basahin. Ngunit mas masakit mabuhay dito nang walang nalalaman.
Ito ang Noli Me Tangere.
#NoliMeTangere#ParaSaBayan