Wala po akong listahan ng mga pangalan ng opisyal ng gobyerno na Pro-China o kumakampi sa China, pero ito po ang aking mga panuntunan para sabihing ang isang tao ay traydor sa ating bansang Pilipinas:
1. Ang ayaw tumindig para sa West Philippine Sea, at ang tinatakot pa ang ating mga kababayan na magkakagiyera.
2. Ang nagsasabing mas mabuti pang maging probinsya na lang ng China ang Pilipinas.
3. Ang hayagang nagsasabi ng pagmamahal kay Xi Jinping.
4. Ang tahimik kapag ginigipit ng China ang ating PCG, AFP, at mga mangingisdang Pilipino — walang pagkondena, walang kibo, at walang pahayag ng suporta.
5. Ang tumututol sa transparency initiative o sa pagsasapubliko ng mga insidente, dahil ayaw nilang ipaalam sa taumbayan ang tunay na nangyayari sa West Philippine Sea.
6. Ang malapit sa gobyerno ng China, ngunit tila lumalayo sa mga bansang naninindigan para sa international law.
7. Ang kumukuwestiyon mismo sa ating posisyon sa West Philippine Sea at nagsasabing ipamigay na natin ang Kalayaan Island Group.
8. Ang nagsasabing huwag nating i-demonize ang China, kahit alam naman natin na sila ang bumababoy sa karapatan natin sa WPS.
9. Ang nagsasabing ang 2016 Arbitral Award ay “just a piece of paper” na itatapon lamang sa basurahan.
10. Ang nagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa West Philippine Sea para litohin at takutin ang ating mga kababayan.
11. Ang gumagamit ng WPS para sa political campaign, at nang manalo na ay hindi tinupad ang kanyang pangakong ipaglalaban ito.
Maam, mayroon po ba kayong kakilala?
@MYSSSPH i survived a stroke june 2024.wasshocked that my records weren't up to date even if i'm deducted. Why did my branch monitor this? Shouldn't you go after those that don't remit, PROACTIVELY? waitingfor members to complain just doesn't cut it. So reactive and lazy😡😖
@MYSSSPH you require customers to submitcertifiedtrue copies of hospital dox and not originalsfor medical benefits. Why not originals?the medical city does not issue certified true copies. For a stroke survivor, i find this irrational cc: @bongbongmarcos
@bongbongmarcos pls empower congress to enact laws that give @mysss more teeth to Proactively go after remiss employers the way banks go after delinquent clients wala silang gagawin unless i call their attention. Thanks, your excellency