Kapag naubos ang HMO sa critical emergency ng immediate family, huwag agad mag-benta ng lupa o mag-five-six.
Pumunta sa pinakamalapit na DOH-accredited public hospital at lumapit sa Malasakit Center. One-stop shop ito na pinagsasama ang PhilHealth, PCSO, DSWD, at local city hall aid para ma-slash ang net balance ng medical bill pababa sa halos zero.
Sobrang underrated safety net na pera ng taumbayan.
Guys, kung may parents, lolo, lola, or kahit sinong kapamilya kayo na araw-araw umiinom ng maintenance, PLEASE READ THIS! 🥹
May program ang PhilHealth called YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) na nagbibigay ng FREE checkups, lab tests, at selected maintenance medicines!
May coverage din na up to ₱20,000/year para sa eligible medicines. Hindi lahat ng gamot covered, pero malaking tulong na rin 'to lalo na kung buwan-buwan kayong bumibili.
Pwede kayong mag-register through eGovPH app or PhilHealth Member Portal. Sobrang laking tulong para mabawasan ang gastos sa gamot.
Reminder lang din na ang PhilHealth YAKAP ay pinopondohan ng contributions at public funds, kasama ang buwis na binabayaran natin.
Kaya kung eligible kayo sa benefits, gamitin niyo! Hindi ito utang na loob. Karapatan nating makinabang sa healthcare na pinopondohan nating lahat. 💗
Kung may kakilala kang naospital, pwede mong gamitin nag ZERO BALANCE BILLING Strategy 🫶
Huwag ka muna pumunta sa private hospital at maglabas ng out-of-pocket money kung sinabing walang CT-Scan, MRI, or 2D Echo sa public hospital!
I’ve been sharing this diskarte to relatives & friends para makalibre sa procedure.
1. Hingi ka ng official Procedure Request na may tatak at pirma ng doktor mo mula sa public hospital.
2. Pumunta ka sa Malasakit Center sa loob ng hospital at sabihing "for procedure outside."
3. Hihingi sila ng requirements para bigyan ka ng Guarantee Letter (GL) para sa accredited private diagnostic centers or hospitals. Sagot na ng DOH MAIFIP yan kaya zero or minimal charges ka lang!
Pro tips:
a. Dapat galing sa PUBLIC hospital ang lab request. Kung galing sa private doctor, ipa-convert mo muna sa Out-Patient Department (OPD) ng public hospital.
b. Pumunta nang maaga at bitbitin agad ang PhilHealth ID + Valid ID para mabilis ma-approve!
Pass this along, super laking tulong 'to sa finances ✨
Your Body Has a "Reset Button" (It's in Your Kitchen!)
Forget expensive supplements! Nature already gave you the ultimate healing toolkit.
Here's exactly what these 5 simple drinks do to your vital organs: