Mga Kabayan, gamitin natin ang ating karapatan para bumoto!
Sa araw ng eleksyon bukas, ating siguraduhin na tayo ay makakaboto. Atin ding alalahanin ang ilang mga paalala:
Mga Kabayan, ating bigyang pugay ang mga dakilang ilaw ng tahanan.
Ngayon araw ng mga ina, ating alalahanin ang kanilang walang kapalit na pagmamahal at pagkalinga sa atin mula noong tayo ay bata pa hanggang sa ating pagtanda.
Mga Kabayan, ikaw ba ay bagong guro sa isang pampublikong paaralan?
Nais naming ipaalam sa ‘yo na sinusulong ng KABAYAN Partylist ang pagtaas ng "minimum" na sahod niyo mula Salary Grade 11 patungong Salary Grade 15!
Mga Kabayan, ikaw ba ay isang retirado o “retiree?”
Nais naming ipaalam sa ‘yo na sinusulong ng KABAYAN Partylist ang pagkakaroon ninyo ng 14th month pension, mula man kayo sa publiko o pribadong sektor! Ito ay dagdag sa 13th month pension na kasalukuyang na ninyong tinatamasa.
Mga Kabayan, ikaw ba ay empleyado sa gobyerno o sa pribadong sektor?
Nais naming ipaalam sa ‘yo na sinusulong ng KABAYAN Partylist ang pagkakaroon ninyo ng 14th month pay! Ito ay dagdag sa 13th month pay na kasalukuyang na ninyong tinatamasa.
Mga Kabayan, isang pagpupugay sa mga bagong abogado ng bayan!
Naipasa niyo ang isa sa pinakamahirap na pagsusulit sa bansa, ang Bar Exam. Ngunit mayroon pa kayong mas malaking hamon na haharapin – pag-ayos ng sistema ng hustisya sa atin.
Mabuhay, bagong alagad ng hustisya!
Mga Kabayan, ating bigyang pugay ang lahat ng mga manggagawa ngayong Labor Day.
Alalahanin natin ang mga manggagawa mula sa iba’t ibang larangan, sektor at propesyon na patuloy na kumakayod hindi lamang para sa kanilang mga sarili at pamilya kundi pati sa ikauunlad ng bayan.
Mga Kabayan, ikaw ba ay isang barangay health worker?
Nais naming ipaalam sa ‘yo na sinusulong ng KABAYAN Partylist ang pagkakaroon ninyo ng honoraria at allowance na hindi bababa sa P3,000 monthly honoraria, P3,000 Christmas Bonus, at P1,000 hazard at subsistence allowance.
Mga Kabayan, ikaw ba ay manggagawa sa pribadong sektor? Ikaw rin ba ay manggagawang naka-base sa mga probinsya?
Nais naming ipaalam sa ‘yo na sinusulong ng KABAYAN Partylist na pataasin ang inyong sahod at gawing pantay-pantay ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Mga Kabayan, tayo ay magdiwang ngayong Araw ng Pagkabuhay ni Hesus.
Tayo ngayon ay mamuhay bilang mga tinubos at bilang mga buhay na patotoo sa mga taong nangangailangan ng kalinga ni Hesus.
Happy Easter!
Mga Kabayan, tayo ay magdasal at magnilay-nilay ngayong panahon ng Kuwaresma.
Nawa’y magsilbing gabay at inspirasyon sa ating buhay ang pagmamahal na inalay at kapatawaran na ibinigay ni Hesus sa atin upang mahalin din natin ang ating kapwa at patawarin ang mga nagkasala sa atin
Mga Kabayan, ikaw ba ay isang opisyal sa inyong barangay?
Magkakaroon na ng regular na sahod ang mga Kapitan, Kagawads, Secretary at Treasurer ng lahat ng mga barangay kapag naisabatas ang HB 6033 o Barangay Officials Salary and Benefit Act na pinanukala ni KABAYAN Rep. Ron Salo
Mga Kabayan, ating kilalanin ang KABAYAN Partylist mascot na si Juan Kabayan!
Isinusulong ni Juan Kabayan ang adbokasiyang matatandaan sa acronym na “KABAYAN +2.” Ito ang KAlusugan, paBAhay, kabuhaYAN, at +2 na suporta sa Edukasyon at mga OFWs.
IKAW. AKO. TAYONG LAHAT #2KABAYAN
Mga Kabayan, ngayong Araw ng Kagitingan, ating gunitain ang mga bayaning Pilipino na inialay ang kanilang buhay upang ipagtanggol ang ating bansa laban sa pananakop ng mga Hapon noong World War 2.
Mga Kabayan, ikaw ba ay isang guro o mamahayag?
Mabibigyan ng parangal ang tulad mo pag dumating ang panahon na ikaw ay mamaalam na sa pamamagitan ng paglalagay ng watawat ng Pilipinas sa ibabaw ng kabaong. Ito ay dahil sa ipinanukalang HB 8619 ni KABAYAN Partylist Rep. Ron Salo
Mga Kabayan na apektado ng El Niño o matagalang tag-init sa probinsya ng Occidental Mindoro, Camarines Sur, Cebu, at Cotabato, maaari kayong makatanggap ng agarang tulong mula sa gobyerno kapag naideklara na ang ‘state of emergency’ sa inyong lugar.
Nais naming makasiguro na mas marami pa ang makakakuha ng mga trabaho na naaayon sa kanilang mga abilidad at nakamtan na edukasyon. Upang maisakatuparan ito, maaari ninyong ipaalam sa amin kung ano pang mga trabaho ang nais niyong mapabilang sa susunod na job caravan ng KABAYAN.
Ngayong taon, naitala ang 1,249 na mga bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa bansa, kung saan 53 ay mga bata at teenager. Kung kaya’t nanawagan si KABAYAN Partylist Rep. Ron P. Salo na mas palakasin pa ang pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa HIV at AIDS.
Matapos ang mahabang panahon na pagpupunyagi, ikaw ay nagwagi! Sa araw na ito, ikaw ay magtatapos. Congratulations!
Sa wakas, nagbunga rin ang maraming araw na wala kang tulog sa pagrereview para sa iyong mga exams. Saludo ang KABAYAN Partylist sa ‘yo.