QUALITY BA KAMO? 🌬️
Kung patibayan lang din naman ang labanan, mapapalaban daw ang ceiling fan na ito sa isang paaralan sa Makato, Aklan!
Paano ba naman, ang 30 years nang donasyon ng Parent-Teacher Association na ceiling fan, gumagana pa rin at malakas pa rin ang naibubugang hangin.
Kaya rin daw naisipan ni YouScooper Reuben na kuhanan ng video ang naturang ceiling fan, "Na-amaze lang ako kasi gumagana pa sya kahit 30 years na."
At dahil daw sa kinita ng video, nakabili ng karagdagang stand fan si YouScooper Reuben na kaniyang ibinigay sa teacher-adviser ng classroom kung saan naroon ang naturang 30-year-old ceiling fan. #YouScoop
Courtesy: YouScooper Reuben T. Melanio