Baka pala naniniwala lang tayo sa mga akala natin, baka yung mga akala natin hindi pala totoo, nakakatakot lang din na isa rin to sa mga palpak na kahapon natin.
Hinawakan ko ang mga kamay mo ng mahigpit, at inilipat ang mga tingin kung saan nanggagaling ang mga tunog. Mas nadinig ko ito ng malinaw at iminulat ang mga mata ko. Nawala ka sa paningin ko, panaginip lang pala. Oo nga pala, hanggang sa panaginip na lang kita makakasama.
Tumingin ka sakin, tinitigan kita na para bang nakuha na uli kita sa pangalawang pagkakataon. Ngumiti ka at tinanong ako ng โKamusta ka?โ, masyado nanaman akong umaasa. Bago ako sumagot ay niyakap kita ng mahigpit, ayoko ng bumitiw.
Dinig ko ng malinaw ang mga ito ngunit ayokong mawala ka sa paningin ko. Habang nakatitig ako sayo, mas lumilinaw ang dinig ko sa pangalan ko, habang ikaw naman ay nanlalabo sa paningin ko. Hindi ko alam, pero para akong hinihila ng mga tunog na ito papalayo sayo.