Day 61:
Ngayon ang pangalawang buwan simula nung huli tayong nasa tawag. Hindi ko binisita ang mga profile mo ngayong araw. Sana tumagal pa to. Hindi pa rin nawawala ang hinahanap kita sa gabi. Pero hindi na masyadong masakit. Sana okay ka lang.
Alam kong tapos na pagsusulit mo. Mahina ka sa sipnayan kaya tinuturuan pa kita noon. Ang saya ng mga panahong yon. Nakikita kong naiinis ka na sa mga tanong ko pero nasagot mo pa rin. Sana tinuturuan ka niya kasi alam kong magaling siya don.
Gabi na naman at hindi ako makatulog. Naaalala ko nung mga gabing di siya makatulog kaya gusto niyang kantahan ko siya at pinapakinggan ko naman boses niya kapag ganon din ako.
Ngayon kumanta ulit ako at nilagay ko sa lagayan ng mga kanta ko dati na binigay ko sa kanya kung sakaling hindi ako pwede at pwede niya rin pakinggan kung kailan niya gusto.