Happiest Birthday to the woman I love. Isang magandang bouquet katulad mo para sayo, mahal ko, dahil ipinangako ko na habang buhay kitang pasasayahin at ipaparamdam kung gaano ka kahalaga sa akin. Mahal na mahal ka namin ni Devi. @kohibear
Sa tatlong taong kasama kita, palihim kong iningatan ang isang espesyal na kwarto, isang lugar kung saan iniingatan ko ang bawat litratong kuha ko sa’yo. Sa bawat sulok nito nakalagay ang mga litrato na tahimik kong kinunan na bawat isa ay punong puno ng pagmamahal ko sa’yo.