Siguro, kung nagkaanak kami ni Mong, iiyak din ako at pipigilan ang anak ko, tulad ni mama. Pero sa huli, tulad ni papa, hahayaan ko rin ang anak ko na magpasya para sa sarili. Kung iaalay ng anak ko ang buhay para kanyang mga paniniwala, ano ang karapatan kong di sya paniwalaan?