Isang Bukas na Liham Para sa Administrasyon ng Sintang Paaralan.
Sa gitna ng krisis sa kalusugan, mahalaga na maprotektahan ang kapakan ng bawat mag-aaral. Pakinggan ang mga hinaing at inihaing rekomendasyon ng mga Iskolar ng Bayan.
Para sa mga estudyante,
Laban PUP
Pagbati, mga kasama!
Lubos na nagpapasalamat ang Laban PUP sa mga dumalo at nakiisa sa ating Kapihang Malaya na ginanap kagabi, Oktubre 11. Isang manipestasyon na tayong mga estudyante ay may boses at dapat na pinakikinggan.
Sa higit pang paglaban kasama ang mga estudyante at kape, inilunsad ang Kapihang Malaya upang magkaroon ng malayang diskusyon patungkol sa mga hinaing at inihahaing rekomendasyon ng mga Iskolar ng Bayan sa pagpasok ng taong panuruan 2021-2022.
Labs, kape tayo? Usap tayo, awa na lang oh.
Iniimbitahan ng Laban PUP ang lahat ng Iskolar ng Bayan na dumalo at sumama sa usapang ito upang talakayin ang iba't ibang problemang kinahaharap natin sa pamantasan.
Magparehistro sa:
https://t.co/g3zNNM9NZY
Opisyal na Pahayag ng Laban PUP sa Pagbubukas ng Panuruang Taon 2021-2022
Labis na nadidismaya ang Laban PUP sa patuloy na pagsasawalang bahala ng administrasyon, sa pamantasan at sa nasyonal, sa mga hirap na dinaranas ng mga estudyante sa ilalim ng pandemya.
BASAHIN: Opisyal na pahayag ng Laban PUP hinggil sa kagustuhan ni Bongbong Marcos, anak ng pasista't diktador na si Ferdinand Marcos, na tumakbo bilang pangulo sa Halalan 2022.
https://t.co/hrT135cbB0
Ang ating pagtutol sa pag-upo ng mga Marcos sa pwesto ay tanda kung gaano natin isinusuka ang mga paglabag sa ating karapatang pantao noong rehimeng Marcos, at ang ating pagkundena sa patuloy na panggigipit ng mga diktador sa mamamayan nito.
Walang makalilimot! Walang pipikit!
Ngayong araw ang opisyal na pagsisimula ng beripikasyon ng mga balota mula sa halos isang linggong botohan para sa PUP Student Council Elections. Manatili tayong mulat at mapagmatyag.
Para sa isang tunay na representasyon ng mga Iskolar ng Bayan, may laban tayo!
#AbanteBotante | Ngayong araw gaganapin sa Charlie del Rosario, 2nd Floor RM 208 Hyundai Audio-Visual Room ang beripikasyon ng mahigit 11,000 balota mula sa mga estudyanteng lumahok sa PUP Halalan 2021.
Kaisa ang Laban PUP sa panawagan kasama ang #PHVote Coalition na mabigyan ng mas mahabang panahon ang mamamayang Pilipino na makapagparehistro para sa darating na halalan.
#MayLabanTayo patungo sa higit na makataong pamumuno at isa ang pagboto nating lahat upang makamit ito.
EXTEND THE REG
The #PHVote coalition urges the Comelec to extend the voter registration, and calls on the IATF to make voter registration an essential activity. #PHVote#WeDecide#ExtendTheReg
SIGN THE PETITION HERE: https://t.co/4kZcIuvapm
Sanggunian:
Sadongdong, M. (2021, August 30). ‘Modern heroes’ enraged: Metro Manila healthcare workers rally for release of allowances, resignation of Duque. Manila Bulletin. https://t.co/WUj9IJ4Pit
Pagpupugay para sa lahat ng mga bayani ng bansa!
Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ay ang pagtindig natin kasama ang mga makabagong bayani ng ating bansa na patuloy na lumalaban sa gitna ng pandemya.