Hindi natatapos ang pag-aaral sa apat na sulok ng silid-aralan. Lumabas tayo sa lansangan, kasama ang masang anakpawis, at ipakita ang lakas, talino, at boses ng kabataang Pilipino. Hindi natin papayagang manatili tayong bihag ng isang neoliberal na sistemang edukasyon.
πππππππ: Bilang paggunita sa Global Day of Action for Palestine, nagsagawa ng kilos-protesta ang LFS UP Visayas kasama ang iba pang organisasyon.
Mariing kinundena ng mga Iskolar ng Bayan ang U.S.-Israel imperialism, ang pagharang sa humanitarian aid, at ang patuloy na pagpatay sa mga sibilyan sa Gaza. Ang laban ng Palestine ay laban din ng lahat ng inaapi!
#LantawUPV | Nagsagawa ang mga estudyante ng University of the Philippines Visayas ng isang candle lighting ceremony bilang pag-alala sa mga biktima ng ROTC at bilang pagtutol sa Senate Bill No. 2034 na patuloy na isinusulong sa senado.
Ang LFS UPV ay nakikiisa sa panawagan para sa isang agaran at makabuluhang tugon mula sa UPV Administration sa panahon ng sakuna.
UPV, unahin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Iskolar ng Bayan!
#DoBetterUPV
Ngayong araw, ika-22 ng Abril 2024, nagsimula na ang pinakamalaking Balikatan war exercises na magtatapos sa ika-9 ng Mayo. Taun-taon, ang saklaw at agresyon ng mga war exercises na ito ay patuloy na lumalawak.
Mariin itong kinokondena ng League of Filipino Students UPV.
π½πΌπ½πΌπ, πΌππ ππππΌπ ππ πΌπ ππΌ ππΌπππππ½πΌππΌ!
LFS UPV stands with women and their fight for equal rights and opportunities. We recognize that women's struggles are no different from the country's struggle for emancipation against colonial and imperial forces
After everything women have gone through to get to where they are, their struggles are valid and are deserved to be celebrated. A true definition of a woman is not confined to what the society thinks and expects of them.
ICYMI: Nakiisa ang League of Filipino Students UPV sa ginanap na candle lighting noong ika-7 ng Disyembre bilang pakikiisa sa solidaridad laban sa genocide na isinasagawa ng Israel sa Palestine.
FROM PALESTINE TO THE PHILIPPINES, STOP THE US WAR MACHINE!
#JoinLFS
ATM | Nakiisa ang League of Filipino Students sa programa ng mga tsuper sa Katipunan para ipaglaban ang tunay na modernisasyon at makamasang transportasyon.
#NoToJeepneyPhaseout
Panawagan ng LFS kasama si Sam ng Piston, Mar Valbuena ng MANIBELA, at si Ronel ng AGUAJODA para ibasura ang PUV Modernization at Oil Deregulation Law
Kabataan at sambayanan, makilahok sa welga!