Join our petition urging Senate to choose a new Senate President: We call for the resignation of Senator Alan Peter Cayetano as Senate President and urge our Senators to choose new leadership worthy of the institution they serve. The Senate presidency is not an ordinary political office. The position demands not only competence, but trustworthiness, truthfulness, and integrity. Today, many Filipinos across political lines no longer believe that these standards are being upheld by Senate President Cayetano. Filipinos deserve a Senate led by someone whose integrity is beyond question, whose words command belief, and whose leadership strengthens rather than diminishes the institution entrusted to him. For the good of the Senate and the nation, Senate President Cayetano must resign. https://t.co/GjzOf3KY1L
Hindi NAKATAKAS si Bato. PINATAKAS siya! They created a diversion so Bato can make his escape. Ginagawa tayong mga tanga ng mga DU13 senators. Nakakagalit!!! 😡
Hi, guys. We are not okay here in Cebu. Walang kuryente. Barely any signal.
Strong winds and heavy rains pa rin. Binabaha yung mga places na least namin inexpect na bahain.
Again, we’re not okay in Cebu and pls help us spread the word.
Wag tayo makinig sa sabi sabi lang
Di tayo bulag sa katotohanan
Sila sila rin ang nakikinabang
Sa ninakaw nilang —— PERA NG BAYAN
Wag tayong makinig sa kuwentong kutsero
Na pinapalabas ng mga usisero
Matagal na pala ang ganitong
Proseso
Mag ingay na tayo
Mag ingay na tayo po
Sabi nila mahirap daw tayo
Sabi nila nauubos na ang pondo
Yun pala — ang pinagkakaabalahan
Ng mga makapangyarihan
Ay tayo ay lokohin
Linlalingin abusuhin
At paulit ulit nang Nanakawan
Pilipinas gising na
Pilipinas gising na
Pilipinas gising na
Pilipinas Laban na!
ISANG OPEN LETTER KAY G. ANTHONY TABERNA
Hindi Lahat ng Dumaan sa Plenaryo ay Insertion
Hi Anthony,
Kamusta ka na? I hope this letter reaches you in good spirits.
Narinig ko ang paliwanag mo tungkol sa issue ng “insertion” at kay Risa.
Ang intindi ko sa sinabi mo ay lahat ay insertion, kahit yung ginawa sa plenaryo o sa Bicam. Kapag naaprubahan sa plenaryo at dumaan sa Bicam, insertion na rin ‘yon.
At nang sabihin ni Risa na wala siyang ginawang “Bicam insertions” sinabi mo na “technical” ang sagot niya.
Pero Anthony, hindi ito pagiging technical, ito ay pagiging tapat sa proseso.
I. “Amendment” - Ang tanging kinikilalang termino ng batas
Malinaw sa 1987 Constitution, Art. VI, Sec. 24–25(1):
“All appropriation bills shall originate from the House, but the Senate may propose or concur with amendments.”
Iyan lang ang opisyal na kapangyarihan ng Senado na magmungkahi o umayon sa amendments.
Walang binabanggit ang Saligang Batas tungkol sa “insertions.”
Ang amendment ay ginagawa habang bukas ang plenaryo, may debate, may boto, at nakatala sa Journal.
Ito ang demokratikong proseso , malinaw kung sino ang nagpanukala at paano ito pinagtibay.
II. “Insertion” - Ang tamang kahulugan at hangganan
Dito kadalasang nagkakagulo.
Ginagamit ng ilan ang “insertion” para ilarawan ang anumang dagdag sa budget. Pero sa batas, ang tawag diyan ay amendment kung ito ay ginawa sa plenaryo o committee hearing.
Iba ang insertion.
Hindi ito termino ng batas. Ito ay praktikal na tawag sa mga idinagdag pagkatapos maisara ang plenaryo, karaniwan sa Bicameral Conference Committee (Bicam).
At malinaw ang tungkulin ng Bicam:
“To reconcile disagreeing provisions of the Senate and House versions.”
Ibig sabihin: magrekonsilya, hindi magdagdag.
Kaya kapag may bagong item na pumasok sa Bicam na hindi pinag-usapan sa alinmang bersyon, iyan ang tunay na Bicam insertion, labas sa proseso.
III. Pero hindi lahat ng idinagdag sa Bicam ay mali
May mga pagkakataon na ang Bicam ay nagre-realign lang ng pondong dati nang kasama sa alinmang bersyon. Yan ang tinatawag nating legitimate reconciliation.
Ang problema ay kapag may bagong proyekto o alokasyon na wala sa alinmang bersyon at hindi dumaan sa debate o boto.
Doon ito nagiging irregular o iligal.
Kaya kung gusto nating maging eksakto:
“Amendment” — ginagawa sa liwanag, may tala, may boto.
“Insertion” — ginagawa sa dilim, walang record, walang umaako.
IV. Kaya hindi tamang sabihing “technical” si Risa
Kapag ginamit ni Risa ang terminong “Bicam insertion”, hindi siya nagtatago sa teknikalidad, inaayos niya ang katotohanan.
Precision is not evasion, Anthony. it is just being honest.
Ang pagiging malinaw sa termino ay hindi pagtatago, kundi paninindigan.
V. Halimbawa ng mga totoong “Bicam insertions”
Noong 2019, sina Sen. Ping at ilang senador ay nag-report ng ₱75B na dagdag sa DPWH budget na ginawa sa Bicam nang walang deliberasyon.
Ngayong 2025, muli itong lumitaw, may ₱142.7B na idinagdag umano sa Bicam na wala sa bersyon ng Senado o Kamara.
Iyan ang ibig sabihin ng insertion —
hindi dumaan sa proseso, lumabas lang pagkatapos.
VI. At sa sitwasyon ni Risa
Si Risa ay nagmungkahi ng amendments nang bukas at malinaw, tulad ng ibang senador.
Pero nang makita niyang binawasan ng Bicam ang pondo ng PhilHealth, 4Ps, edukasyon at ₱373B ang nadagdag sa unprogrammed funds, tumanggi siyang pumirma sa Bicam report at bumoto ng “NO” sa 2025 budget.
Kung totoo ngang may insertions siya, bakit niya tatanggihan ang mismong budget na iyon?
🕯️ Panghuli
Hindi lahat ng dumaan sa Plenaryo ay insertion.
Hindi lahat ng dagdag ay mali.
Ngunit ang Bicam insertion, iyong idinagdag nang palihim at walang tala,
iyan ang dapat bantayan.
Huwag sana nating sabihing “technical” ang pagtutuwid ng termino.
Dahil sa panahon ng disinformation,
ang katotohanan mismo ang ating pinakamalinaw na anyo ng katapangan.
Maraming salamat, Anthony. At nawa’y mabuti kayo ng inyong pamilya.
Gumagalang,
Edwin