Pahayag ni Cong-elect Leila M. de Lima
Ukol sa desisyon ng Court of Appeals
15 Mayo 2025
Nabasa na namin ang decision ng Court of Appeals na ibalik sa Regional Trial Court ang isa sa mga kaso kung saan na-acquit na ako. Kataka-taka itong desisyon na ito na mistulang pinapaulit ng CA ang pagkasulat ng desisyon ng RTC dahil daw hindi ito masyadong malinaw.
Naniniwala rin kami na lahat ng sagot sa mga tanong ng CA sa decision nila ay maaring makita sa records ng kaso. Baka kailangan lang namin iturong muli sa kanila sa aming Motion for Reconsideration ang mga specific na portions ng records kung saan makikita ang mga sagot sa kanilang mga katanungan.
Gayunpaman, iaapela namin ang decision ng CA hanggang Supreme Court kung kinakailangan. Samantala, hindi pa ito nangangahulugan na wala nang bisa ang aking acquittal. Final and unappealable ang aking acquittal dahil sa prinsipyo ng double jeopardy, habang appealable pa naman hanggang Supreme Court ang desisyon ng CA. Sa ngayon, mas matimbang pa rin ang pagpapawalang-sala sa akin ng RTC.
Nais ko ring linawin na hindi sinabi ng CA na reversed ang aking acquittal kundi pinapaayos lamang nito ang laman ng desisyon, na sa aming palagay, hindi na kinakailangan dahil maliwanag ang desisyon ng RTC.
Tingin namin: issue lang ito ng pagpapalinaw at pagpapaliwanag sa CA sa mga tanong na kanilang pinunto sa kanilang decision.
Gayunpaman, hindi ito magiging hadlang sa pagbabalik ko sa serbisyo-publiko at ipagpapatuloy ko ang aking preparasyon sa pagsulong ng Hustisya at Reporma sa Kongreso.
Imagine legally changing your surname to "Bong Revilla" so you're among the first names on the ballot and then not even making it to the Top 12 ๐คญ #Halalan2025
@elsieso4232070@nicoquejano Elsie naman, simpleng paggamit ng utak di magawa. Bakit siya aarestuhin, kasali ba siya sa war on drugs ni Digongyo? Di ko alam if nagpapatawa ka or talaga lang utak lamok kayong mga DDEBS?