hinding hindi natin malilimutan na minsan sa kasaysayan ng bansa, may isang magsasakang nakakuha ng halos apat na milyong boto gamit lamang ang paninindigan at hindi ang kapangyarihan ng salapi. congrats, ka danilo.
Para sa bawat kabataan na nais magka-diploma at makahanap ng trabaho;
Para sa bawat magulang na nagnanais maiangat ang kanilang mga pamilya;
Para sa bawat Pilipinong nagsusumikap at dumidiskarte;
Para sa bawat Pilipino na kumakapit sa katiting na pag-asa araw-araw;
PARA SA LAHAT NG PILIPINO,
taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat, sa Diyos, at sa taumbayan na nagtiwala at sumandal sa ating pagmamahal sa bayan.
MARAMING SALAMAT, MINAMAHAL NATING PILIPINAS! 🇵🇭