Huminto ka ba sa pag-aaral at gustong bumalik?
Makakatulong sa’yo ang ating Magna Carta for Out-of-School Children and Youth (HB 8039)! Panoorin ito para sa buong detalye.
I-share para suportahan ang agarang pagpasa ng ating panukala, and follow for more updates.
GOOD NEWS: UTANG SA FARMERS, NABAYARAN NA DAHIL SA ATING PANGANGALAMPAG! 💚🌾
Hindi puwedeng nahuhuli ang bayad sa ating mga magsasaka at kooperatiba habang sila ang nagpapakain sa ating mga komunidad.
Sa ating pagbisita sa General Santos City noong April 7, ipinaabot ng Lamluma Diversified Farmers Agriculture Cooperative ang kanilang hinaing. Kaya agad tayong kumilos at kinalampag ang DepEd para mapabilis ang kanilang bayad.
Sa loob lamang ng ilang araw, na-release ang ₱1.9M na matagal na nilang hinihintay. Maraming salamat sa DepEd sa agarang aksyon��sana all! 🙌
Kapag may siguradong bayad, may siguradong ani. Kapag may siguradong ani, may pagkain sa bawat mesa.
Sinagot tayo ni Meralco SVP Ronald Valles kahapon. Giit niya, legal na singilin sa consumers ang "pass through costs" tulad ng Lifeline at Senior Discounts.
But he missed our point: Kung bilyon-bilyon ang kita ng Meralco, makatarungan lang na mas tumulong sila magpababa ng singil—hindi laging consumers at taxpayers ang pumapasan.
Panahon na para repasuhin ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at ang rules ng Energy Regulatory Commission (ERC) para masiguro na ang sistema ng kuryente ay hindi lang legal, kundi patas at para sa kapakanan ng taumbayan.
Comment and share para marinig ang boses natin!
The middle class—long considered the backbone of our economy—is increasingly becoming the “new poor.” Stagnant incomes, rising costs, and heavy tax burdens are eroding their financial security, leaving families vulnerable to poverty despite their vital role in sustaining the nation.
They shoulder most of the nation’s taxes, pay out-of-pocket for healthcare and education, and face housing and daily expenses that grow faster than their earnings. One catastrophic illness—cancer, heart disease, or stroke—is enough to wipe out savings and push them into debt.
https://t.co/iWsaiCPOcc
Tony Leachon
HINDI DAPAT LAHAT NG PASAN AY NASA TAUMBAYAN, HABANG BILYON-BILYON ANG KINIKITA NG MERALCO
Tandaan natin: bilang MONOPOLY FRANCHISE, protektado sa kompetisyon ang electric companies. May pribilehiyo sila, kaya dapat may obligasyon din sila sa publiko.
Kailangang suriing mabuti ang EPIRA (Electric Power Industry Reform Act) Law at baguhin ang rules ng Energy Regulatory Commission (ERC) para ang mga electric companies ang sumalo sa Lifeline Discount, hindi ang taumbayan.
Comment below kung sang-ayon kayo, at i-share ito para mas marinig ang boses natin.
VP SARA, SEE YOU IN THE IMPEACHMENT COURT
Sa hearing ng House Committee on Justice ngayong araw, bumoto tayo na may "probable cause" o sapat na batayan na umusad ang Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
Nakita natin ang ebidensya, narinig ang testimonya, at higit sa lahat, nabigyan ng pagkakataon si VP Sara na humarap at magpaliwanag, ngungit hindi siya sumipot.
Public office is a public trust. Kahit ang mga pinakamataas na opisyal ay pananagutan sa taumbayan.
Comment and share kung naniniwala kang dapat harapin ni VP Sara ang kaso at manaig ang katotohanan!
Today is the 61st birthday of the country's former Vice President Leni Robredo.
Robredo made history as the first woman mayor of her hometown, Naga City, after securing a landslide victory in the 2025 midterm elections.
you cannot use sara’s achievements as a mayor to say that she’s eligible to run for president because her last term ended 4 years ago, and she’s in a national position now. ngayon na nasa national position siya, may nagawa ba siya? meron, magnakaw nga lang. she couldn’t handle +
Kaya tigil-tigilan na nila yung script na huwag raw ituloy ang impeachment dahil may krisis, na halata namang panlihis lang nila sa isyu para makatakas na naman sa pananagutan.
Dapat at kayang pagsabayin ang paghahanap ng solusyon sa krisis at pagpapanagot sa mga lumustay sa kaban ng bayan na nagkakait ng nararapat na serbisyo para sa ating mga kababayan, lalo na sa panahon ng pangangailangan.
📸 OCTA Research
A majority of Filipinos, or 69 percent, support an impeachment trial against Vice President Sara Duterte, according to OCTA Research’s 2026 Tugon ng Masa survey.
READ MORE: https://t.co/09KfxCyAi8
Isa sa mga sinisiyasat sa pagdinig sa impeachment laban kay VP Sara Duterte ay ang alegasyon ng maling paggamit ng kanyang tanggapan sa milyon-milyong confidential funds.
Sa nakaraang pagdinig, natalakay ang inilabas na desisyon ng Commission on Audit (COA) na pagbasura sa apela ni VP Sara ukol sa Notice of Disallowance sa mahigit P73 million confidential expenses ng Office of the Vice President (OVP) noong December 2022. Alinsunod sa desisyong ito ng COA — na halos imposible nang mabago o mabaligtad pa — dapat isauli ang milyon-milyong pisong confi funds na ito.
Dito nasusukat ang halaga ng paghahanap ng pananagutan. Pera ito ng taumbayan. Hindi ito pwedeng balewalain lang. Hindi pwedeng magpa-distract tayo sa mga nagpapalabo o nagpapagulo sa usaping ito. Dapat malaman natin ang katotohanan at mapanagot ang dapat managot sa maanomalyang paggamit ng pera ng taumbayan.
COA NA ANG NAGSABI: DAPAT ISAULI ANG PERA
Sa hearing kahapon ng House Committee on Justice, kinumpirma ng Commission on Audit na may notice of disallowance ang Bise Presidente sa ₱443M confidential funds, kaya may obligasyon siyang isauli ito.
Comment below kung naniniwala kayong dapat protektahan ang pera ng taumbayan!
Hindi sapat ang ayuda. Kailangan ng long-term solutions.
Sa hearing ng Legislative Energy Action and Development (LEAD) Committee ngayong araw, nagpatawag tayo ng masusing review sa ating energy policies para mabawasan ang pagdepende natin sa imported oil at mas maprotektahan ang bansa sa epekto ng mga krisis sa labas.
Like and share this video if you agree!
BAM, RISA, KIKO TOP RATINGS IN PUBLICUS ASIA'S Q1 'PAHAYAG' SURVEY
Sens. Bam Aquino, Risa Hontiveros, and Kiko Pangilinan led the latest performance ratings of elected officials, according to Publicus Asia's first quarter 2026 "Pahayag" survey.
https://t.co/JMmqLnrutV
SUPORTA PARA SA ATING MGA FOOD PRODUCERS
Malaki ang dagok ng mahal na diesel sa ating mga magsasaka at mangingisda. Kaya ngayon ang tamang panahon para gamitin nang tama ang mga ayuda, gaya ng TUPAD at AICS, upang matulungan ang mga direktang apektado sa food security.
Sa ganitong paraan, natutulungan ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda, at napoprotektahan ang pagkain para sa bawat Pilipino.
May ₱611 million nang naibalik mula sa maanomalyang flood control funds. Bakit hindi ito gamitin para sa agarang crisis response?
Sa gitna ng taas-presyo, isa sa puwedeng pondohan dito ang service contracting para sa pampublikong transportasyon. Sa ganitong sistema, nabibigyan ng suporta ang mga jeepney driver base sa serbisyong ibinibigay nila, habang natitiyak din ang mas maayos at tuloy-tuloy na biyahe para sa mga pasahero.
Kung pera rin lang ng taumbayan ang naibalik, dapat ibalik din ito sa taumbayan sa anyo ng serbisyong mararamdaman nila araw-araw.