CODE BLUE ALERT SA BUONG BANSA
Itinaas ng Department of Health (DOH) ang code blue alert sa bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong #TinoPH.
Sa ilalim ng code blue alert status, naka-heightened alert ang buong DOH, mga regional office, at health facility nito, kasunod ng pagdeklara ni Pres. Bongbong Marcos ng national state of calamity.
May karagdagang health personnel, gamot, at medical supply rin sa mga evacuation center at pansamantalang health facility. | via JC Cosico