LOOK: Comelec proclaims Gabriela Women’s Party as the winner of the 64th party-list seat for Halalan 2025.
Rep. Sarah Jane Elago receives the certificate of proclamation She is accompanied by former Rep. Emmi de Jesus &legal counsel Atty. Lisa Clemente.
#LabanGabriela
A partylist built on lies and disinformation—created only to serve a political dynasty—has finally collapsed. The Duterte "Fake” Youth Partylist has now crumbled.
#ProclaimGabrielaNow
Di na lang Espanya, Katipunan na rin.
Marcos Jr, ito ang mukha ng korapsyon ng flood control projects na pinakawalan mo. This is the face of the failure of the state: 2 oras lang na buhos ng ulan, nalubog na mamamayan.
Managot ka sa kapabayaan & korapsyon mo! #MarcosSingilin
HELP US SEND KEJ TO ROME, ITALY!
SCMP Chair and @KabataanPL 7th Nominee @TheKejOfGlory will be participating in the historic PAGTATANIM GLOBAL INTERFAITH CONFERENCE, a gathering of church people from around the world, for the first time since the 80s, to stand in solidarity w/
Grabe 'no? We have a Senate that voted in favor of unconstitutional motion. Exhibit A why Dee Supelanas, Azase Galang, Jian Markus Tayco, and many youth continue to choose the road less traveled
Magkita-kita tayo bukas, 1:30PM sa Kilometer Zero para ipanawagan ang pagdidiskwalipika sa Duterte Youth. Depensahan ang ating interes at tunay nating representasyon! Hindi kami para gamitin sa interes ng mga Duterte!
#DisqualifyDuterteYouth#Halalan2025
DISQUALIFY DUTERTE YOUTH, NGAYON NA!
Bukas nakatakdang iproklama ang mga nanalong partylist. Magpo-proklama ang COMELEC nang hindi pa sinasagot nang maayos ang mga anomalya sa marumi at madayang eleksyong pinamunuaan nila.
Kabataan Partylist: Di lang EJK kasalanan ni Duterte, pero ang pag-garantiya na abswelto ang abuso basta may kapit sa kapangyarihan
Malaking bagay na isasakdal si Rodrigo Duterte para sa pag-utos ng pamamaslang ng mahihirap, lalo na ang kabataan, sa ngalan ng pekeng gera kontra droga. Sa kabila ng libo-libong namatay, namamayagpag pa rin kapwa ang mga druglord at ang mga umutos sa pagpatay. Pero higit pa rito ang kasalanan ni Duterte.
Ang parehong sistema ng pamamaslang sa pekeng gera kontra droga na pinatakbo ni Duterte sa Davao na nakabatay sa gawa-gawang ebidensiya at pagtuturo ay ginamit laban sa mga inosenteng magsasaka na naghahangad lang ng lupa sa isla ng Negros, sa pangangasiwa ng dating PNP Chief ni Duterte na si Debold Sinas simula noong 2019. Ginamit din ito, para mabigyang daan ang mga raid ng PNP-CIDG na pumatay sa mga maralita, mangingisda at lider komunidad sa Timog Katagalugan noong Bloody Sunday masaker noong 2021. Maging mga guro ng lumad nasawi dito. Marami pang biktima, higit pa sa mga nasawi sa pekeng gera kontra droga.
Para mapatupad ang madudugong operasyon na to ay pinasimuno rin ni Duterte ang isang sistema na hinihikayat, pinoprotektahan at binigyan pa ng pabuya ang mga pulis na lumabag sa karapatang pantao at pumatay ng kapwa Pilipino na tinuturo na salot ng lipunan o ugat ng kahirapan.
Nagsimula muna ito sa pagbansag sa mga adik bilang salot ng lipunan, isinunod ang mga rebeldeng NPA na kumapit sa armas dahil sa problema ng kahirapan at inhustisya, saka dinawit sa ganitong pagbabansag na "salot" ang kahit sinong ordinaryong tao na kumwestyon sa abuso niya: mamamahayag man, estudyante, taong-simbahan o kahit diyos mismo, hanggang sa kahit sinong maituro na salot ng lipunan ay tututukan na rin ng baril o dahas.
Lumaki ang isang henerasyon ng kabataan na normal ang pagpatay basta utos ni Duterte. Kaya kahit hindi na direktang inutos ni Digong ang bawat isang pagpaslang, lumalabas na siya ang nagpakawala sa gobyerno bilang makina ng patayan. Naging katanggap-tanggap na ang lahat ng anyo ng abuso, dahil kailanman walang napapanagot dito, lalo na ang mga nanguna rito, dahil pangulo mismo abswelto at pinagtatanggol pa ang mga nagkasala. Lumaganap din ang police brutality dahil tila may immunity ang lahat ng miyembro ng gobyerno.
Kaya ikinatutuwa natin ang pagkilos ng mga Tomasino na kinikilala ang realidad na ito: hindi lang mga pinaghinalaang adik ang naging biktima, pero marami pang kabataan dahil sa Kill, Kill, Kill policy at sistema ni Duterte. Lumakas ang loob ng lahat ng may kapit sa kapangyarihan na tapakan ang karapatan ng iba, sa paraan man ng EJK o ng hazing o ng political killings.
Unawa ng kabataan na magkakaugnay ito. Unawa rin ng kabataan na hindi bago ang kultura ng kawalan ng pananagutan. Hindi rin bago ang EJK. Panahon ni Marcos Sr. nangyayari na ito sa anyo ng pag-'salvage' o pagdukot o enforced disappearances. Sa ilalim ni Marcos Jr. nagpapatuloy din ito sa dami ng dinukot na mga unyonista, lider sa komunidad at iba pa. Pero kung may pagkakataong mapanagot ang mga pinuno at dinastiya na nagpapatakbo ng ganitong sistema, dapat itong maisagawa. Justice needs to start somewhere for real change to begin anywhere.
Ito ang paninindigan ng kabataan. Magsasalita tayo para sa kapakanan ng inaapi, hindi para sa kung sinumang politikong iniidolo tulad ng ginagawa ng Duterte Youth. Hindi iisang tao ang makapaglulutas ng mga problema ng ating bayan. Kailangan natin ng mga kabataan na kayang tumindig sa sariling pag-iisip at pagmamahal sa bayan. Kaya patuloy na kikilos ang kabataan para isulong ang hustisya at tunay na pagbabagong panlipunan, kaysa iasa ang kinabukasan ng Pilipinas sa iisang korap na pamilya.
#LabanKabataan
#YouthVote4KABATAAN
#DuterteIkulong #ConvictDuterte
#MarcosSingilin #DutertePanagutin
BE A FULL-FLEDGED MEMBER OF KABATAAN PARTYLIST! https://t.co/MPlS9hP4KG
BE A KABATAAN VOLUNTEER FOR THE 2025 ELECTIONS! https://t.co/m0PFPGkvtE
"Kung siya (Kitty Duterte) makikita pa niya tatay niya, ako yung anak ko hindi ko na makikita at hindi ko na maririnig na tawagin akong 'Mama.'"
#DutertePanagutin
Hikaw of the day 💕
Ngayong ika-39 na taon ng paggunita sa EDSA People Power patuloy ang paglaban para sa tunay na demokrasya. Singilin si Marcos, Panagutin si Digong, at i-convict si Sara, silang mga kalaban ng demokrasya sa bansa.
#EDSA39