Ako po si Kiko Pangilinan, tumatakbo para sa mga naniniwala na may pag-asa pa ang Pilipinas. Tulungan po ninyo ako, at ipakita natin na maaaring manalo ang lumalaban nang patas, ang hindi magnanakaw, at ang Republika ng Pilipinas.
Hindi ko ito kayang mag-isa. Kailangan ko ang tulong ninyo. Ako'y naniniwala na kapag tayo—ang taumbayan—ang tumataya at naninindigan, walang puwersang kayang humadlang sa pagbabagong hinahangad natin para sa ating Republika.
Ipanalo natin ang tama. Ipanalo natin ang katotohanan. Ipanalo natin ang Pilipinas. Daghang salamat, Cebu! 🇵🇭
#TapatAtTotoo
#KikoSaSenado2025
#51PangilinanKiko
Napakalaking bagay para sa akin na makasama ang pamilya sa kampanyang ito. 💚
Maraming salamat sa aking kapatid na si Anthony, sa kanyang maybahay na si Maricel, at sa kanilang anak na si Donny, sa buong pusong paninindigan hindi dahil sa apelyido, kundi dahil sa prinsipyo, tapat at totoong pamamahala, at pagmamahal sa bayan.
Tulad ng sinabi ni Donny, ang tunay na pagbabago ay trabaho para sa bayan, hindi para sa sariling bulsa. Maraming salamat sa aking pamilya, at daghang salamat, GenSan! Patuloy ang ating sama-samang pagkilos para sa mas malaking suporta sa agrikultura, patas na kita para sa mga magsasaka at mangingisda, at mas abot-kayang, masustansyang pagkain sa bawat hapag ng pamilyang Pilipino. 🇵🇭
#TapatAtTotoo
#KikoSaSenado2025
#51PangilinanKiko
Maraming salamat, Marawi, sa mainit na pagtanggap! 💚 Maraming salamat din kay Mayor Majul Gandamra at sa buong Team Gandamra.
Matagal nang nasa puso natin ang Marawi. Noong tayo'y nasa Senado, isinulong natin ang mga batas para sa kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao, gaya ng Bangsamoro Organic Law at ng Marawi Siege Victims Compensation Act.
Hindi pa tapos ang ating paglalakbay. Sa patuloy nating sama-samang pagkilos, kaya nating itaguyod ang kapayapaan at kaunlaran—hindi lang sa Marawi at Mindanao, kundi sa buong bansa. 🇵🇭
#TapatAtTotoo
#KikoSaSenado2025
#51PangilinanKiko
Public Pulse on Bam Aquino
Positive Sentiment (60%)
Neutral Sentiment (25%)
Negative Sentiment (15%)
40% of the entire conversation on Bam Aquino is related to his Advocacy and Policy work on Education and Employment. A big 45% is related to his endorsements and political alliances. A small 15% is criticism over his past work in policy.
Our AI model predicts good chances of his victory ranking between 8-12.