PANALANGIN PARA SA KAPAYAPAAN
Panginoon, buong pagpapakumbaba po kaming lumalapit sa Inyo at ipinagdarasal ang lahat ng apektado sa mga digmaan sa ibaโt ibang bahagi ng mundo.
Gabayan Ninyo po ang puso ng bawat isa upang manaig ang pagkakaunawaan, pagmamahal at kapayapaan.
Dasal po namin na bigyan Ninyo ng karunungan ang lahat ng namununo upang magpasya hindi batay sa galit o paghihiganti, kundi para sa ikabubuti ng lahat.
Nawaโy makita nila ang landas ng pagkakasundo, pagkakaisa, at pagmamahal.
Panatilihin rin po Ninyo na ligtas ang mga inosenteng sibilyan na naiipit sa kaguluhan, kabilang na ang libu-libo naming kababayang Pilipino.
Nawaโy maghari ang Inyong kapayapaan sa gitna ng kaguluhan, at ang magsilbing gabay ang diwa ng Inyong pagmamahal sa aming lahat.
Ito po ang panalangin naming sa ngalan ni Hesus, Amen!
Para sa bawat kabataan na nais magka-diploma at makahanap ng trabaho;
Para sa bawat magulang na nagnanais maiangat ang kanilang mga pamilya;
Para sa bawat Pilipinong nagsusumikap at dumidiskarte;
Para sa bawat Pilipino na kumakapit sa katiting na pag-asa araw-araw;
PARA SA LAHAT NG PILIPINO,
taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat, sa Diyos, at sa taumbayan na nagtiwala at sumandal sa ating pagmamahal sa bayan.
MARAMING SALAMAT, MINAMAHAL NATING PILIPINAS! ๐ต๐ญ