May mga pagluha kang tanging ikaw lang at ang Ama ang nakakakita,
at may mga sumbong kang tanging Siya lang ang nakakaalam
Ngunit pagkatapos, hindi ba't gumagaan ang bigat na nadarama?
Ibinabangon ka Niya kapag halos matutumba
Niyayakap, kapag halos hindi mo na kaya.
Hindi porket hindi pa binibigay ng Ama ang laman ng ating panalangin ay ibig sabihin hindi na niya naririnig, minsan ibinibigay ito ng Ama sa panahong hindi mo inaasahan
At masasabi mo na lang "Ama maraming salamat po"
Hanggang kailan mo mapaninindigan
Ang mga salitang binibitawan?
Kapag dumatin na
Puntong parehas tayong gigiitin
At piliting kalagin
Maitatanggi kaya ang sarili
Para sa akin
At para sa iyo na rin?
God, I may not be able to figure out how you’ll do it, but knowing that everything is possible in you is more than enough security for me. Let Your will be done in me.
Ituring mo sanang ang bawat umaga ay isang pag-asang ibinibigay ng Ama para makapagpatuloy ka. Huwag kang susuko at huwag mong iisiping bumitaw. Dahil kahit gaano pa kabigat ang iyong pinapasan, magaan kang makatatawid dahil Siya ang kasama mo sa bawat laban.