Hindi ko masabi na nakausad nako ng buong buo, ang masasabi ko lang, ayoko na bumalik.
Importante sakin yon, oo hanggang ngayon. Pero mas mabuti nang lumakad ako palayo.
Kahit pa anong balik ang ko sa nasunog nating pangarap, abo lang ang makukuha at makikita ko don.
Okay nako. Pero hanggang ngayon may sugat parin sa puso ko. Kahit na alam kong may sumusubok nang pumasok sa buhay ko ayoko parin sila papasukin.
At alam ko, sa susunod na makita moko, hindi mo na ako makikilala at hindi na rin kita kilala.
Isa dito yung motor na nakuha ko. Nung una kong mahawakan at mapiga manibela no, lahat ng plano at ala-ala ng taong nagpangako sakin bumalik lahat.
Napapangiti nalang ako kasi kinakaya ko pala at nagagawa ko ng ako lang.