Wag kalimutang magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng Blessings na natatanggap sa araw-araw. Pati na rin sa mga pagsubok na nakakaya nating lagpasan. ๐
So bale, sila nalang yung Girlfriend. Ako nalang yung Friend. Kasi pag nagkaka-problema ka. Mas una mo pa silang sinasabihan at pinapakinggan. Tapos ako eto, abang abang lang. Last Man Standing, ganun?
Hindi daw niya kaya bitawan kasi ang tagal na nila. Dami na daw nila napag daanan. Pero sa dami nilang pinagdaanan. Di pa rin siya magawang itrato ng tama nung taong mahal niya, Nawawalan na ng respeto, laging pang ginagago at niloloko.
Hindi mo kelangan mag makaawa sa isang tao para mag-stay siya. Mag-istay yan kung gugustuhin niya. Ano man ang mangyari. Wag mong ibaba yung sarili mo. Hindi lahat iiwan ka. May taong mananatili sa tabi mo. Kahit ano mang problema ang ibigay sa inyo ng mundo.
Kahit laging mainit ulo natin, kahit madalas tayo magkapikunan. Hinding hindi mawawala yung pagmamahal ko sayo. Kahit anong problema pa yung dumating satin, andito lang ako para sayo. Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo.
Napaka-taas ng tingin mo sa sarili mo. Basura naman yang ugali mo. Hello, hindi porket nasa marangyang buhay ka. Pwede kana manapak ng buhay ng kapwa mo.
Magkasama man kayo o hindi, kung gusto niya mag-cheat. Magagawa niya yan. Isipin man niya nararamdaman mo o hindi, pag gusto niyang gaguhin ka. Walang makakapigil sa kanya.
Gawin mo yung mga bagay na magpapasaya sayo, itatak mo sa isip mo na Hindi sya kawalan, lalo na't ginawa mo naman ang lahat para maSave ang relasyon nyo.
Mas Kilalanin at mahalin mo sarili mo, minsan kasi kapag mag-isa tayo mas dun naten narirealized ang worth naten.
Iiyak mo na lang lahat ng pain na nararamdaman mo, iiyak mo hanggang wala ng luha pumatak jan sa mga mata mo.