NAHULING PUGITA, KUMAPIT SA MUKHA NG MANGINGISDA
Halos mapunit ang mukha ng mangingisdang si YouScooperย Clarence Jay Bandiala Tamulaย nang kumapit ang kaniyang nahuling pugita sa gitna ng kaniyang pangingisda sa karagatan ng Puerto Princesa City, Palawan noong July 5.
Ayon kay YouScooper Clarence, bagamat sanay nang nakakapitan ng pugita sa mukha, nataranta pa rin siya nang mangyari ang insidente, "'Yung una po kinagat ko, akala ko mapapatay ko agad kaso noong kumapit na po sa mukha ko ang walong galamay na pugita, nahirapan na po ako magtanggal tapos nataranta na ako, hindi ko po alam ano ang gagawin ko. Bawat hila ko sa pugita, mas lalong humigpit ang pagkapit sa mukha ko."
Sadya raw na kinakagat ang pugita para mas mabilis itong mapatay, "'yan lang kasi ang madaling [paraan] para mapatay sila... sa taas ng mata ng pugita po, may bilog kasi doon na [nagpapahina] sa kanila," sabi ni YouScooper Clarence.
Kalaunan, natanggal din naman daw ang kumapit na pugita sa kaniyang mukha.
"Nasanay na po. Walang ibang hanapbuhay [eh]," dagdag pa ni YouScooper Clarence. #YouScoop
Courtesy: YouScooper Tirada mga Megoy
TITOS TO THE RESCUE! ๐๐
Naging masaya at memorable ang simpleng birthday celebration ng batang si Theo matapos makisabay sa kanilang merienda ang mga katrabaho ng kaniyang daddy.
Ayon sa uploader na si Mommy Shiela, simple family celebration lang sana ang plano nila sa bahay dahil araw ng Linggo ang 4th Birthday ni Theo. Naisip niyang pakiusapan ang mga napadaang workmate ng kaniyang mister na makisabay sa selebrasyon para hindi malungkot ang kanilang anak.
โMedyo sad po siya kaya ginawan ko na lang po ng paraan para ma-feel niya na happy pa rin ang birthday niya kahit hindi niya ka-edad ang kasama niya,โ kuwento ng ni YouScooper Shiela.
Game namang nakisaya ang mga workmate ni daddy kaya naging espesyal at puno ng good vibes ang simpleng handaan ni Baby Theo. #YouScoop
Courtesy: YouScooper Shiela Villagracia