Bakit ko naman pakikinggan at panonoorin kung may bahid na ng pagsisinungaling? Wala nang kwenta ang mga sasabihin niya. Siguradong pawang pambobola lang ang lahat ng lalabas sa bibig niya.
Kasi alam nilang mabibili ang boto ng mga manhid at walang pakialam basta't may ayudang matatanggap kaya malakas ang loob ng mga magnanakaw. Magsisi na kayo bago pa mahuli ang lahat.
Ayuda? Bakit puro ayuda? Wala bang matatag na Plano para makaahon at Hindi sa ayuda umaasa? O ginagawa itong pampalubag para hindi mag-alburuto ang mga tao dahil sa kawalan ng malinaw na programang pangkaunlaran at matakpan ang nawawalang pondo ng bayan?
Once upon a time, mga bata lang sila. Hindi alam ang tama sa mali. Walang gustong makialam baka sila pa ang makasuhan. Now that they are old enough, takot pa ring pakialaman, baka buhay naman nila ang maging kapalit. Kalungkot.
Akala niyo ba ang kapangyarihan ay nasa inyo. Sino ba kayo? Maaaring mabagal ang hustisya ng Diyos pero sigurado ito. Magbabayad pa rin kayo nang mahal. Huwag magpakakampante.
Yung moralista na kung umasta ay malinis, may ano pala, ka-live-in? Mga gustong ipasang batas - against moral values? What? Tapos suportado pa ng mga taong simbahan? Ano nangyari?
Nakakapagod. Reactive at Hindi proactive ang gobyerno. May napahamak na doon pa lang gagawa ng aksiyon. Kapag may bagong isyu, maingay. Pag lipas na Ang isyu, tahimik na uli. Hayst.
Napansin ko lang sa ibang news outlet, main stream media at social media na madalas nagmi-misquote para lang magpapansin. Tapos yung mga sulsol para lalong mag-away o magsagutan nang sa gayon, laging silang may balita.
Isipin ninyo, yung mga inaasahan nating maninindigan sa katotohanan, kakampi na ng kasinungalingan. Paano na ang ating bayan? Lalo lang nalulubog sa kumunoy. Paano na ang susunod na henerasyon? Wala na nga bang pag-asa ang bansang Pilipinas?
Walang kagana-ganang panoorin ang S°N@. Ni hindi gustong alamin ano ang nilalaman nito. Wala nang kunsensiya lahat ng nakikinabang sa pinaghirapan ng bayan. Dirediretso ang pagbulusok ng minamahal na bayan. Sadyang nakakagalit at nakakawalang gana. Gumising na tayo!!!
Mga ginawa ng mga "moralista" (yung kunwari matatalino at mabubuting tao sila): Mas dumami ang criminal dahil protektado sila ng human rights law. Mas dumami ang batang criminal dahil protektado sila ng juvenile justice law. Dumadami ang mga rebeldeng nakakaupo sa gobyerno.