Mahal na Ina ng Kaliwanagan, nawa ay patuloy mong ipagsanggalang ang iyong bayan mula sa anumang kalamidad. Ipanalangin mo kami sa iyong Anak, nang sa gayon ay mahinto na ang paglindol at pagbuhos ng ulan at manatiling ligtas ang lahat. Amen.
Ad maiorem Dei gloriam.
Umuulan ng pagmamahal mula sa inyo, mga kapanalig. 70,000 na followers po tayo! Maraming salamat sa pagsuporta at pagtangkilik sa aming parish page.
Patuloy nating ipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon sa makabagong panahon!
Ad maiorem Dei gloriam!
Sa tuwing tayo'y pumapasok sa simbahan, hayaan nating kumilos ang presensya ng Diyos. Damhin natin ang habag, pag-ibig, at pagpapalang kaloob Niya habang ipinapadama sa Niya sa atin ang Kaniyang presensya.
Ad maiorem Dei gloriam!
Ipinababatid po sa lahat na ang pagbubukas ng ating Jubilee Door ay gaganapin sa April 17, 2021, ika-3 ng hapon. Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa kaganapang ito sa pamamagitan ng pagtutok sa livestream dito sa ating Facebook page.
Ad maiorem Dei gloriam!
#OLightCainta
Misa Nobenaryo 2 | November 23
Sa ikalawang gabi ng ating nobenaryo para sa kapistahan, makakasama natin ang ating Parochial Vicar, Rev. Fr. Joey H. Valdez sa Banal na Misa mamayang ika-6 ng gabi.
Ad majorem Dei gloriam!
#OLightFiesta2020
I express my sorrow and dismay for the terrorist attack in #Vienna, and I pray for the victims and their families. Enough violence! Let us together strengthen peace and fraternity. Only love can silence hate.
November 2 | Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano
Patuloy nawa nating ipagdasal ang mga kaluluwa sa Purgatoryo na nawa'y makapiling din nila ang Diyos balang araw. Tumugon nawa tayo sa kanilang pangangailangan.
Ad majorem Dei gloriam!
Tayo ay tinatawag upang maging mga Kristiyano sa isip, sa salita, at sa gawa. Patuloy nating isabuhay ang Salita ng Diyos nang may pagmamahal sa kabila ng paghihirap at pag-uusig na ating mararanasan.
Ad majorem Dei gloriam!
Sa kabila ng krisis na ating pinagdadaanan, nawa'y mas lalo nating pagtibayin ang ating pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos sapagkat Siya ang lubos na nakakaalam kung ano ang makabubuti para sa ating lahat. Kailanman ay hindi Niya tayo iiwan at pababayaan.
June 28 | Ikalabingtatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Ang pagmamahal natin sa Diyos ang siyang magbibigay at magtuturo sa atin ng wastong pagmamahal hindi lamang para saring sarili o mga mahal natin sa buhay, kundi na rin sa pagmamahal natin sa kapwa.
Ad majorem Dei gloriam!
Ngayong buwan ng Mayo, sama-sama nating parangalan si Maria sa pamamagitan ng pagdarasal ng rosaryo bilang isang sambayanan! Ang nasabing kaganapan ay matutunghayan livestream sa ating FB page.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa para sa mga pagdiriwang para sa Paggunita sa Mahal na Birhen ng Fatima sa darating na Miyerkules, May 13, 2020 mula sa National Shrine of Our Lady of Fatima Valenzuela City. Ito ay matutunghayan sa FB page ng Roman Catholic Diocese of Cubao.
Mahal tayo ng Diyos at hindi Niya tayo pababayaan kailanman. Ang pagmamahal na ito nawa ang ating maging inspirasyon upang lubos na nating maisuko ang ating sarili sa Kanyang kalooban.
Ad majorem Dei gloriam!
MARAMING SALAMAT po sa mahigit 20,000 Facebook followers ng @OLightCainta! Nawa'y patuloy nating ipalaganap ang mga gawain ng Simbahan at ang pagmamahal ni Maria, Ina ng Kaliwanagan para sa ating lahat.
Ad Iesum per Mariam!