Nasunog ang ikalawang palapag ng San Jose National High School sa San Jose, Montalban, Rizal pasado 9 PM kanina.
Ayon sa pamunuan, hindi nadamay ang tatlong classroom sa ibaba pero hindi muna ito ipapagamit sa mga estudyante.
Problema raw ang kakulangan ng classroom sa paaralan para sa 3,357 na mga mag-aaral kaya maaaring magpatupad muna ng alternative delivery mode of learning. | via Gabriel Gonzales/GMA News
Bisitahin ang https://t.co/3DVm1mZJSh para sa pinakabagong mga balita.