Hindi raw siya hao shao , yan ang giniit ni Atty. Charlie Pascual nang humarap sa mga miyembro ng media kanina sa NBI. Itoy matapos siyang makatanggap ng subpoena kaugnay ng pag notaryo niya sa sworn affidavit ng 18 marines. @gmanews
DOTR, nilinaw na di kailangan kumuha ng DOE certification ang mga may ari ng electric at hybrid vehicles upang ma-exempt ang kanilang mga sasakyan sa number coding. @gmanews
Matapos maghain ng reklamo sa Caloocan prosecutors office, dumeretso naman ng Pasay prosecutors office ang aktres na si Nadia Montenegro para maghain naman ng mga reklamong unjust vexation at violation of safe spacs act laban umano sa isang Senate staff. @gmanews
Aktres na si Nadia Montenegro, nagsampa ng reklamong libel sa Caloocan Prosecutor’s Office laban sa ilang pahayagan na nag-ulat na umanoy nahuli siyang nagma-marijuana sa CR ng Senado. Giit niya: “Fake news ito.” @gmanews
Matapos ang biglaang pagbisita sa kanya ni Vice President Sara Duterte kahapon, binisita naman kanina nina DILG Secretary Benhur Abalos at Senator Bong Revilla si dating Vice President Leni Robredo. Ayon kay Robredo, politically neutral ang pista ng Ina Peñafrancia @gmanews
𝐅𝐋𝐀𝐒𝐇 𝐑𝐄𝐏𝐎𝐑𝐓: Dahil sa malakas na hangin, solar lights na nakakabit sa flyover sa EDSA Quezon Avenue, bumagsak sa dalawang sasakyan; isang driver, sugatan. | via @oscaroida, @gmanews
Solar light sa may Edsa Quezon Avenue na tinangay ng malakas na hangin, bumagsak sa dalawang sasakyan. Driver ng isa sa mga sasakyan, sugatan. @gmanews