PAK! Forda launching na!
Ang PAPEL ang numero-unong alternatibong organisasyon ng mga PHSians na naghahangad ng edukasyon para sa lahat! Lalo na sa harap ng pagbabalik-pasok, ang pagkakabuo ng PAPEL ay esensyal na paniniguro ng ligtas at dekalidad na balik-eskwela.
SA MANLULUPIG, ‘DI KA PASISIIL!
BUHAY ANG IPINALIT UPANG MAKAMIT ANG KALAYAAN PARA SA INANG BAYAN, HUWAG NATING HAYAANG MABASURA ANG MGA SAKRIPISYO NANG TULUYAN! KUNG KAYA’T NARARAPAT LAMANG NA ANGKININ NATIN ANG NABIBILANG SA ATIN!
Spread the word #AtinAngWestPhilippineSea!
ANG KALAYAAN AY PARA SA MASA, AT HINDI DAPAT NAG PA-PAASA
Ngayong araw ay ipinupunyagi natin ang araw ng kalayaan ng mga pilipino. Lagi nating tatandaan na ang kalayaan ay hindi makukuha ng kung sino man hanggang may boses at gana tayong mag-organisa at makibaka!
BASAHIN: Pahayag ni Mix, Tagapangulo ng PAPEL sa nagaganap na SSLG Election. PHSians, depensahan ang integridad ng eleksyon at sa'yo ang kapangyarihan para magluklok ng tunay at palaban sa konseho!
Pahirap at marahas ang hatid ng kasalukuyang sistema sa buong sambayanan. Tayo rin na mga kabataan ay siyang susunod na mga manggagawa, kaya tinatawagan tayong mga kabataan na makiisa na ipaglaban ang ating karapatan ang wakasan ang pananamantala!
SAHOD ITAAS, GAWING NAKABUBUHAY! ISANG PALABANG PANDAIGDIGANG ARAW NG PAGGAWA!
Sa kasalukuyan, imbis na pakinggan ang mga panawagan para sa kanilang mga kabuhayan, patuloy pa rin ang pagratsada ng Charter Change at ang hindi pagbabasura sa Jeepney Modernization Program.
Unang araw ng kampanya para sa SSLG Election, pormal na sinimulan ngayong araw
Ngayong araw, ipinakilala na ang dalawang partido para sa darating na Supreme Student Learner Government (SSLG) Election sa kani-kanilang Facebook page na magsisilbing campaign platform nila.
PAPEL, MAGKO-COVER SA DARATING NA SSLG ELECTION!
Sa darating na Supreme Students Learner's Government (SSLG) Election para sa panuruang taon ng 2024-2025, makakasama sa paghahatid ng tunay na balita ang Pinagsamang Aksyon ng PHSians tungo sa Edukasyon para sa Lahat (PAPEL).
TIGNAN: Kamakailan nagsabit ng streamer ang PAPEL, APC, at MAKULAY para manawagan ngayong buwan ng kababaihan. Dagdag pa rito, nagsabit rin ang PHSSSLGo ng streamer na may laman na "Abante Babae".
PHSIANS, SUMAMA SA LABAN NG KABABAIHAN PARA MALAYANG LIPUNAN!
ALERT!
Umabot sa pitong katao ang sugatan matapos magpaputok ng baril ang pinagsamang pwersa ng demolition team ng Clark Hills Properties Corp at ng mga pulis. Tinatayang nasa 500 na katao ang mga ito at marahas na pinipilit ang demolisyon sa Sitio Balubad, Anunas.
Mariing kinukundina ng PAPEL ang nangyayari demolisyon sa mga ordinaryong mamamayan ng Sitio Balubad! Sa pinakitang kalupitan at karahasan ng Clark Hills Corp kasama ang kapulisan ay isang manipestasyon ng kanilang kagustuhan na kamkamin ang lupa sa mga lehitimong nag mamay-ari!
KABABAIHANG PHSIANS, ANG LUGAR MO AY SA PAKIKIBAKA! ATING IPANAWAGAN NA WAKASAN ANG KARAHASAN AT PANANAMANTALA SA LIPUNAN!
Sa unang araw ng Marso, nakikiisa ang PAPEL para sa pagsisimula ng International Women's Month.
Sa loob ng maraming taon, maraming kababaihang Pilipino ang nakararanas ng pang-aapi, pananamantala at pang-aabuso. Ating kilalanin at huwag kalilimutan ang mga nagluwal sa atin sa lipunan.
Wala rin ibang hinangad ang mga kabataan kundi ang magkaroon ng aksesibol, dekalidad, at libreng edukasyon para sa lahat! PHSians, huwag matakot makibaka para sa ating mga karapatan at protektahan ang ating demokrasya!
#EDSA38#MakiPAPEL
PHSIANS, BUHAYIN ANG DIWA NG EDSA! IPAGLABAN ANG ATING DEMOKRASYA!
Sa komemorasyon ng EDSA People Power I, ngayong araw minamarkahan ang pag-aaklas ng sambayanang Pilipino sa madilim na administrasyong Marcos Sr.