@wildflower_2021 Yeah, I know. Natakot ako nung una kasi but I learned a lot. Madami ako natutunan in that 3 months. Kahit gusto mo silang mapabuti, hindi mo dapat ini-insist. 8080 ko sa part na yon.
Sa wakas! Approved on third and final reading sa Kamara ang ating Right to Information (RTI) Bill!
Karapatan ng bawat Pilipino na malaman kung saan napupunta ang pera ng bayan.
Sa pamamagitan ng RTI Bill, magiging mas mabilis at mas malinaw ang pagkuha ng impormasyon mula sa gobyerno—gaya ng SALN ng mga opisyal, mga kontrata sa proyekto, at rekord ng mga pampublikong transaksyon.
May mabigat na parusa ang batas na ito para sa mga magtatago ng dokumento, habang poprotektahan naman ang mga matatapang na maglalantad ng katiwalian. Magtatayo rin ng isang RTI Commission na may tunay na ngipin para ipatupad ang batas.
Ang susunod na hakbang: Pagsasamahin ang bersyon ng House at bersyon ng Senado sa isang bicameral conference. Tapos, iaangat ito sa Pangulo para pirmahan.
Malayo pa, pero malayo na ang ating narating. Higit dalawang dekada na ang nakalipas—noong 12th Congress pa lamang—nang ihain ng Akbayan ang Freedom of Information Bill na siyang isa sa unang mitsa ng panukalang ito.
I-share ito kung naniniwala kang walang dapat itago ang gobyerno sa mamamayan!
Ngayong araw, bumoto tayo ng NO sa House Bill No. 8389.
Sa ilalim ng panukalang ito, maaari pa ring mamuno ang isang pamilya sa iba’t ibang antas ng pamahalaan.
Pero kung sila ang nakaupo sa taas, at sila pa rin ang nakaupo sa baba, hindi ba nananatili pa rin ang konsentrasyon ng kapangyarihan?
Pwede pa ring magbaba ng kontrata at proyekto ang isang senador o kongresista para sa kapatid niyang gobernador. Pwede pa ring gamitin ng isang gobernador ang kapitolyo para ipitin ang kalaban ng anak niyang tumatakbong mayor. At pwede pa ring gamitin ng isang pangulo ang buong puwersa ng gobyerno para pagtakpan ang korapsyon ng pinsan niyang kongresista.
At isa pa: hindi pa saklaw ng panukala ang party-list. Kaya pwede pa ring maging district representative si mister, habang si misis naman ay nakaupo bilang party-list representative.
Taliwas ito sa diwa ng Konstitusyon. Hindi nito winawakasan ang paghahari ng mga dinastiya, kundi ginawa pa itong legal at bahagi ng sistema.