TINGNAN: Sa surveillance footage na inilabas ng NBI OTCD, makikitang kausap ni Franco Mabanta ang isang undercover agent ng NBI na nagpanggap bilang tauhan ni dating Speaker Martin Romualdez.
Dala ng NBI agent sa isang hotel sa Makati ang duffle bag na may laman umanong pera para ibigay kay Mabanta pero hindi niya ito tinanggap at sinabing dalhin na lang ito sa isang country club sa Pasig at iabot sa dalawang lalaking naka-face mask.
Nauna nang itinanggi ni Mabanta na sangkot siya sa robbery by extortion sa dating House Speaker.
Basahin ang kaugnay na ulat: https://t.co/GPNCaNMs5i
COURTESY: NBI OTCD via John Consulta/GMA News