Pahinga ka na muna Maris
Sa dilim, mag-isa ka munang magtiis.
Lilipas din 'yan sa mga susunod na araw.
Ibang buhay naman ang makatatanggap ng hataw.
Sa mundong mapagmalinis
Pasensya ka na muna Maris. #MarisRacal
Maris, sila ba ang sa iyo ang nagpalaki
Kumalinga, nag-aruga at nag silbi
Yung akala mo ang buhay mo ay utang mo sa kanila
Kahit na hindi mo naman sila kakilala
Lahat sila ay may pakialam, nakasawsaw.
Mula sa pagsikat at paglubog ng araw. #MarisRacal
Pasensya ka na Maris
Buhay mo ay ginawang libangan
Isinantabi muna mga tunay na isyu ng lipunan
Kung wala mang maihain sa hapag kainan
Nabubusog naman sila sa pagkutya sa iyong kapusukan. #MarisRacal
Pasensya ka na Maris
ang buhay mo ang pinag-piyestahan
Pagod na rin kasi sa larong hanapan
ng Confidential fund.
Para mawala sa iyo atensyon ng bayan.
Si Mary Grace Piattos
maituturo mo kaya kung nasa'n? Aminin mo na lang
na si Kokoy Villamin ang tunay mong jowa? #MarisRacal
Mga anghel na maghapong nakaluhod nang taimtim
Nagtitika, nagdarasal, nagngingilin
Pagkatapos ng Sto. Rosaryo para kay Santa Maria
Bukambibig na nila: isa kang iha de puta
Pasensya ka na Maris, ika'y nasa bayang banal
Na lahat ay walang bahid ni katiting na kasalanan. #MarisRacal
Pasensya Ka Na Maris
Ikaw kasi 'y namumuhay sa bayang sakdal linis. Walang bahid dungis.
Malandi ka kasi, Sabi ng babaeng ang asawa ay tatlo.
Malibog ka kasi, Sabi ng dalagang ang panganay ay pito. Mang-aagaw ka kasi, Sabi ng kerida ng isang pulitiko. #MarisRacal
Yung babae sa tabi ni Marcoleta parang human meme sa Congress hearing tungkol sa ABS-CBN. Yung jowang kinikilig pag nagsasalita ang kanyang jowa. Sino sya?