Nakidalo ang Kapatirang Pi Sigma at Pi sigma delta sa ginanap na Pandaigdigang Selebrasyon ukol sa karapatang pantao noong disyembre 10.
Karapatan, Ipaglaban!
Tuldukan ang mga katiwaliang nagpapahiwatig na ang karapatang pantao'y isang pribiliheyong mahirap matamasa.
Wakasan ang pang-aabuso't pang-aapi ng mga naghaharing-uri na nagsasabing para sa kanila lamang ang hustisya.
Dukha o mayaman, bata o matanda, lalaki o babae, lahat ng mamamayan ay pinagkalooban ng karapatan sa mundong ating ginagalawan.
Sa paggunita ng kaarawan ni Andres Bonifacio, ating alalahanin ang kaniyang mga sakripisyong hindi lamang matutuldukan sa huling pahina ng kasaysayan, bagkus, patuloy na maiuukit sa mga susunod na henerasyon at hindi mabubura kailanman.
#AndresBonifacioDay#BeAParagon
Sa paggunita ng kapanganakan ng isa sa mga bayaning inialay ang sarili para sa bayan, muli nating alalahanin ang kaniyang sakripisyong nagdulot ng pagtamasa ng kasarinlan ng ating bansa.
Tulad ng isang Andres Bonifacio na nanguna sa pagpunit ng sedula't pagsigaw ng hudyat ng himagsikan, atin ring gawing boses ang pagiging isang mamamayang Pilipino upang patuloy na maipaglaban ang ating katayuan at karapatan.
The Pi Sigma and Pi Sigma Delta Confraternity UP Baguio are one with the call to end the semester and pass all students.
The impact of this pandemic and the damage brought by the recent typhoons have caused destruction and greatly affected the quality of our education.
FRATERNITIES, SORORITIES, CONFRATERNITIES, AND SPORTS ORGANIZATIONS CALL TO END THE SEMESTER NOW AND MASS PROMOTION NOW!
Unity Statement of Fraternities, Sororities, Confraternities, & Sports Organizations in UP Baguio
READ: https://t.co/zVOLVWAdu2
#UPBPayt#WalangIwananUP
This is a call for unity for all teachers and students to echo one voice, to demand an immediate response from the University.
Never shall we forget that there are students being left behind by this system and that we shall stand to raise our voices for them to be heard.
Taos-pusong pasasalamat para sa lahat ng nagpaabot ng kanilang tulong! Nawa'y laging mangibabaw sa atin ang pagtulong sa sambayanan. 🖤❤💛
#UlyssessPH#RollyPH
Inyong donasyon at suporta, hatid nito'y pag-asa't ligaya.
Sa kabuuan, ang kapatirang Pi Sigma at Pi Sigma Delta ay nakalikom ng 67,757.50 pesos para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses.
Muli, ang kapatiran ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nagpaabot ng kanilang tulong para saating mga kababayan! Nawa'y laging mangibabaw saating ang pagtulong sa sambayanan
#UlyssesPH#CagayanNeedsHelp#PisoParaSaMgaMagsasaka
[LAST DAY OF DONATION DRIVE]
Ang kapatirang Pi Sigma at Pi Sigma Delta, kaisa ang @upv_mntnrs, ay muling kumakatok sainyo para sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo. Ang huling benepisyaryo ng mga malilikom na pera ay mapupunta sa mga magsasaka ng Cagayan Valley.
Nang manalasa ang bagyong Ulysses labis na naapektuhan ang rehiyon ng Cagayan Valley. Kilala ang kanilang rehiyon sa kanilang produkto ng bigas at mais at kabilang sa pinakanaapektuhan ng bagyo ay ang mga magsasaka.
[CALL FOR DONATIONS UPDATE]
Sa kasalukuyan, 12:00 ng umaga, ika-16 ng Nobyembre, 2020, ang Kapatirang Pi Sigma at Pi Sigma Delta ay nakalikom na ng ₱60,057.50 para sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Rolly at Ulysses. --