Lagi nating tandaan na MAGKAIBA ang nilalarawan ng WIND signal at RAINFALL warning.
Malalaman natin sa wind signal NUMBER kung gaano KALAKAS at KAILAN darating ang HANGIN.
Malalaman sa rainfall warning COLOR kung gaano KARAMI ang ULAN, at kung TATAGAL pa ba ang BUHOS nito.