PARENTS WELFARE ACT BILL
Naghain ng panukalang batas si Senator Panfilo “Ping” Lacson na layong panagutin ang mga anak na hindi makapagbibigay ng suporta sa kanilang mga magulang na may edad, karamdaman, o walang kakayahan sa buhay. Layon ng batas na ito na maiwasan ang pag-abandona ng mga anak sa kanilang mga magulang.