Every Filipino, including the faithfuls of Iglesia Ni Cristo, has the right to protest. But the rest of us also have the right to ask: why would a religious organization stand in defense of someone who has admitted to receiving large sums of money from private individuals while serving as a public official? On his own, and unprovoked, Senator Marcoleta has publicly and personally admitted to it. No faith, whatever the religion may be, should be used to shield corruption or place anyone above accountability and the rule of law.
Hindi ito usapin ng relihiyon at pananampalataya kundi ng batas.
Dahil hindi ito usapin kung pupunta ka ba sa langit o impyerno, kundi kung makukulong ka ba o mapapatunayang walang sala.
Wala ba nagkakasala sa mga katoliko?
Aba napakarami. At napakaraming katoliko ang nakakulong.
Wala ba nagkasala sa JIL? Dko tiyak ang datos pero malamang meron.
Wala ba nagkasala na INC? Dko rin tiyak ang datos pero malamang rin meron.
Kung mataas na opisyal ng katoliko ang nasangkot at may kaso, may narinig ba tayo na umalma ang simbahang katoliko at nagrally para pigilan ito?
Ngayon lang natin nakikita ang protesta ng mga nananampalataya para sumoporta sa isang senador na miyembro nito.
Ibig sabihin ba nito posibleng mag rally din ang JIL sa isa pang senador na miyembro nila kapag susunod na sasampahan ng kaso?
Sa bibliya na mismo sinabing lahat tayo ay makasalanan kaya wala ni isa sa atin ang dapat magmalinis.
Pero hindi lahat tayo ay lumalabag sa batas at nasasampahan ng kaso.
Ibang usapan iyon. Pero nasa bibliya pa rin na ibigay kay cesar ang para kay cesar at ang sa Diyos para sa Diyos. Ibig sabihin ay magpasakop sa batas ng tao at sa Diyos. Si Kristo ang nagsabi nito.
Hindi sinasabing hinusgahan na si senador marcoleta o si senador villanueva. May pagkakataon at karapatan silang ipagtanggol ang sarili nila. Si marcoleta na rin ang nagsabi na sasama sya kapag inaresto. Dahil abugado sya at alam nya ang batas. Tiwala naman siya na kaya nya ipagtanggol ang sarili nya.
Maging si senador jinggoy at dating senador bong revilla dinidinig pa ang kaso. Mga katoliko sila sa wari ko. At may kakayahan sila ipagtanggol mga sarili nila.
Dapat nating tanggapin na kahit pa matibay ang ating pananampalataya, sa ating hanay ay mayroong maliligaw at magkakasala.
At kung si Kristo ang sentro ng buhay mo alalahanin na ipinadala sya ng Ama para sa mga makasalanan. Para magkaroon ng kaligtasan kapag nagbago ng landas at sya ang sundan.
Kung may kaso harapin.
Kung walang kasalanan dapat hindi matakot. Hindi ba yan ang palaging sinasabi ng lahat?
Hindi ibaling sa iba na maaaring may kasalanan din ang depensa.
Ang mga tanong bakit sila ang nauna at paano naman ang iba?.. hindi yan depensa sa batas kundi palusot.
Ang mga tanong bakit plunder eh pribadong pera ang tinanggap at hindi pera ng bayan?.. Yan ang ipagtatanggol nya sa husgado hindi sa lansangan.
Sa ingay na ng mundo bumulong tayo ng panalangin para sa kapayapaan.
"Hindi ito usapin kung may karapatan bang mag-rally ang INC. Meron. May freedom of speech. May freedom of assembly. May religious freedom. Hindi ito debate club na kapag hindi mo gusto ang mensahe, buburahin mo na ang karapatan.
Pero may karapatan din ang nurse na pumasok sa duty. May karapatan ang empleyadong hindi ma-late. May karapatan ang commuter na makauwi nang hindi ginagawang extra sa political teleserye ng may kaso. The Constitution protects peaceful assembly, but it does not automatically convert EDSA into a private prayer room, campaign venue, or loyalty checkpoint.
Religious freedom protects belief. It protects worship. It protects the right to speak, gather, and petition the government. Pero hindi siya magic pass para gawing sacrament ang traffic jam. Ang perwisyo ay perwisyo pa rin, kahit may dasal, tarpaulin, at bloc voting sa background.
Under BP 880, kapag public assembly sa public place tulad ng kalsada, highway, plaza, o iba pang public space, kailangan ng written permit, maliban sa recognized exceptions. Hindi ito obscure legal trivia; basic public order ito. At hindi rin ito censorship. Permit and coordination are not there to silence speech. They are there so one group’s freedom does not swallow everyone else’s day.
Kasi kapag kalsada ang ginamit mo, hindi lang gobyerno ang kinakausap mo. Dinadamay mo ang pasahero, driver, nurse, janitor, call center agent, estudyante, delivery rider, pasyente, at empleyadong may biometrics na walang pakialam sa legal strategy ng kahit sinong politiko. Kaya ang tanong dito hindi, “Bakit bawal silang magsalita?”
Ang tanong: bakit ginawang collateral damage ang commuters sa defense strategy ng isang politiko?
Lalo na kung authentic ang mga kumakalat na text blasts, lumalabas na hindi ito simpleng spontaneous expression. “Surprise rally,” sabi sa mensahe. “Walang magpo-post sa social media.” Kapag sinadya mong itago sa publiko ang plano mong okupahin ang pangunahing kalsada nila sa oras ng rush hour, hindi lang ito exercise of expression. Para kang nag-ambush ng working class, tapos ang excuse mo ay constitutional rights.
At para saan ang “emergency” na ito? Hindi para sa kalamidad. Hindi para sa presyo ng bigas. Hindi para sa sahod. Hindi para sa ospital. Para ito sa kaso ni Rep. Marcoleta, na umiikot sa allegation tungkol sa ₱75 million in campaign donations or gifts allegedly received in three separate transactions, an amount above the ₱50 million threshold associated with plunder under Philippine law.
Malinaw: allegation pa lang ito. May presumption of innocence. May karapatan siyang sumagot. May karapatan siyang magdepensa sa tamang forum. Pero iba ang “ipagtanggol sa korte” sa “iparamdam sa estado na marami kami, kaya mag-ingat kayo.”
Kasi ang hustisya, hindi paramihan ng attendance. Kung sino ang may pinakamalaking crowd, hindi siya ang may hawak ng due process. Kung ganyan ang batas, magsara na ang mga korte at magpa-registration na lang sa Philippine Arena. “Your Honor, may 80,000 kami sa venue, therefore acquitted.”
Kung selective justice ang reklamo, valid iyon kung ang demand ay kasuhan ang lahat ng may ebidensya. Tama iyon. Dapat walang sagrado, walang untouchable, walang VIP lane sa accountability. Pero kapag ang ibig sabihin ng selective justice ay “huwag galawin ang amin hangga’t hindi niyo nauuna ang iba,” hindi na iyon prinsipyo. That is exemption wearing perfume.
Accountability is not a buffet. Hindi puwedeng gutom ka sa hustisya kapag kalaban ang kakasuhan, pero biglang religious fasting kapag kakampi na ang nasa plato.
Sa huli, ang ordinaryong commuter ang nagbayad ng inconvenience. Hindi sila Ombudsman. Hindi sila prosecutor. Hindi sila complainant. Pero sila ang naipit, na-late, nawalan ng kita, napagalitan sa trabaho, at napilitang mag-adjust sa problemang hindi naman nila ginawa. Sa simpleng Tagalog: damay. Sa legal language: disproportionate burden on the public. Sa kalye: perwisyo.
At hindi porke religious group ang gumawa, automatic banal ang perwisyo. Ang traffic jam ay traffic jam. Hindi siya nagiging sacrament dahil may organisadong attendance. Hindi siya nagiging moral crusade dahil sabay-sabay ang dating. Hindi siya nagiging justice movement dahil malaki ang crowd.
The standard must be simple and applied to all: INC, DDS, Kakampink, leftist, pro-government, anti-government, labor group, student group, civic group, o fans club ng sinigang. Same rules. Permit. Coordination. Public safety plan. Clear route. Clear dispersal. Respect for commuters. Maximum tolerance from the state, yes. But maximum tolerance is not maximum entitlement.
Constitutionally, they have the right to speak. Politically, they have the right to support Marcoleta. Legally, Marcoleta has the right to defend himself. But no institution, however large, religious, political, or influential, has the democratic right to turn commuters into bargaining chips.
Kapag ang depensa sa plunder allegation ay nagsisimula sa planadong traffic jam, hindi hustisya ang pinapakita. Power ang pinapakita.
At sa isang republic, power should answer to law, not block the road until the law blinks."
- Nutribun Republic
her explanation is crystal clear. hard to believe how some ppl twisted the narrative just to jump on the ‘hate’ train. criticism is part of our civil duty pero matuto muna magbasa, research, at magkaroon ng deliberate consciousness bago mag react.
Sen Risa (fighting through flu) clarifies that she never wanted games banned.
In this interview she demonstrates how nuanced the situation is that’s why she’s holding a hearing on Wednesday
If Senator Vicente “Tito” Sotto III is removed as Senate President today, then let us stop pretending this is about “leadership change.” This is political surrender.
Senator Alan Cayetano’s bloc is making one thing clear — they would rather protect the Dutertes than defend the Constitution and the independence of the Senate.
History will remember the senators who chose loyalty to power over loyalty to the Filipino people.
Shame on them.
Ito ang problema ng maraming mambabatas.
Hindi nila alam ang batas. Our lawmakers are the law breakers.
Mula sa Bawal Bastos Law hanggang sa Anti-Plunder Act o Anti-Graft & Corrupt Practices Act. Kaya bastos na, ang marami - magnanakaw pa.
ILOILO CITY MANGROVE AREA 🌳
ICYMI: Iloilo City Mayor Jerry Treñas shared aerial shots of the city's mangrove areas which is said to protect the city from calamities.
"This mangrove area is a product of natural colonization, made possible by the availability of soil deposits from the city’s flood control project. Over time, this site has evolved into—and continues to grow as—a significant mangrove patch for Iloilo City," Mayor Treñas stated.
Courtesy: Mayor Jerry Treñas/Facebook
MANGROVE AREA SA ILOILO CITY
Ibinahagi ni dating Iloilo mayor Jerry Treñas ang aerial shot ng malawak na mangrove area sa Iloilo City.
Ayon kay Treñas, dapat pangalagaan ang likas na yaman na ito bilang tugon sa lumalalang epekto ng climate change.
“We must protect this natural asset as we confront the growing challenges of climate change. Mangroves have long been nature’s fortress for our coastal communities, shielding them from flooding, erosion, and pollution, while providing critical habitat for wildlife and contributing to climate mitigation,” saad niya.
📷: Jerry Treñas/Facebook
nakakapanlumo ang pangungurakot ng buwis na binabayaran natin. yung kahit love mo trabaho mo, mapapaisip ka talaga kung worth it ba lahat ng pagod dahil habang kumakayod ka, may mga nasa posisyon na imbis na pinapagaan ang buhay ng mga mamamayan, ay pinapabigat pa lalo.