Magpapasalamat lagi anuman ang mangyari.
Maraming Salamat po Ama sa isang taong pag - iingat.
Sa Ama lagi ang lahat ng Kapurihan!
Happy YETG po mga mahal na kapatid! ๐๐คโค๏ธ
๐: preview
#thankfulnomatterwhat#HappyYETG#YETG2022
Tahan na aking kapatid, tahan na sa Ama mo lahat isuko, buong - buo mong ipaubaya iyong luhaโy ilaan para sa kahilingang isasakatuparan niya. Kaya, tahan na sa pagluha ng mapait, tahan ka na.
Anuman ang maging hangarin mo sa buhay, hilingin mo sa Ama na gabayan ka niya. Upang kahit saan ka man dalhin ng iyong mga paa, hindi ka kailanman malalayo sa kaniya.
Kahit kailan, hindi ako nagkaroon ng isipan na ang lahat ay hindi mo makakaya. Sapagkaโt sa tuwi - tuwina ang kasama mo ay ang Ama. At hanggang kasama mo siya, batid kong ang lahat ay iyong kayang - kaya. Kaya, laban pa. Opo, ikaw na may pusong matatag at punong puno ng pag - asa
Tuwing dumarating ang mga apoy na pagsubok, itimo mo sa iyong isipan na ang ginto ngaโy pinadaraan sa apoy upang dalisayin. Ano pa ang pananampalataya mo na higit sa gintong mawawala rin?
Batid kong marami kang nais sabihin nguniโt pinili mo na lang tumahimik. Kayaโt sa Ama mo na lang lahat buong layang iniluha, sa kaniya mo lahat na walang pasubaling inilapit.
Tupad ka lang ng tupad. Panata ka lang ng panata. Mas maging masunurin ka pa. Magpakapagal ka pa. Anopaโt ang lahat ng itoโy matamis ang magiging bunga.
Marami kapang kakayanin nguniโt iyong tandaan. Tulad ng dati ang lahat ay iyo pa ring malalampasan. Hindi dahil sa iyong ganang sarili lamang, kundi dahil hindi ka iniwan ng Ama sa lahat ng iyong laban.
Huwag nawa tayo maging dahilan ng kahapisan ng isang kapatid dahil siguradong magsusumbong iyon sa Ama. At ang Ama, makatarungan siya. Batid niya kung kaninong luha ang pupunasan, at kung kaninong panalangin ang diringgin.
Kahit inililihim mo sa iba, batid iyon ng Ama. Hindi nalilingid ang lahat sapagkaโt nasa iyo palagi ang paningin niya. Huwag mong kalilimutan palagi na iniibig ka niya, Kaya kahit kailan hindi ka nag - iisa.
Hindi nais ng Ama na tayo ay malungkot at masaktan. Kundi hangad Niyang sa bawat kirot na ating naranasan, may natututuhan tayo na siyang patuloy na magpapatatag sa atin.