Wikang kinamulatan
Aking unang natutunan
Mula sa mga magulang
Itinuro sa hustong gulang
Gamit sa talastasan
Hatid ay kaunawaan
Itong unang wika
Siyang unang aking sinalita.
Diwa ko'y nagising
Sa kakaibang hinaing
Mundong kinamulatan
Unang wika ang ngalan.