Ama, kung sakali pong makita mo na mapagod ang isip,puso at katawan ko. Ipaalala niyo po sa akin na walang sumusukong IGLESIA NI CRISTO ๐๐โค๐ฎ๐น
"Kapag "Nakasalang" kana sa pagsubok, lagi mong tatandaang ibinigay yan hindi para sukatin kung gaano ka kahina, kundi para patunayan mo kung gaano ka Kamananampalataya at kung gaano ka nagtitiwala at nananalig sa Kaniya."๐๐๐๐ฎ๐น
(C) @KuyaangPo ๐
God's timing is perfect. If He is making you wait, it is because He is preparing you for something great and one day you'll be looking at all the blessing you prayed about. Just pray, wait and trust. Always remember that.
Habang tumatanda tayo, mas nagiging simple na tayo mag-isip. Mas pinupuno na natin ngayon ng pagmamahal ang puso natin dahil sa bandang huli, yung mga taong marunong umunawa, sila yung tunay na masaya sa buhay, hindi kumplikado, magaan kasama at payapa ang isip.
Sana matutunan nating maghintay ng panatag, dahil madalas kapag nagmamadali tayo doon mas bumabagal, mas nahuhulog sa pagkakamali. Kaya sana huwag kang bumitaw sa iyong panata, tahimik kang magtiis dahil sa takdang panahon darating ang biyaya.
Isang pinakamagandang regalo mula sa Diyos ang ipagkaloob sa'yo yung taong ipinagpapanata mong makasama habang buhay. Yung magiging katuwang sa paglilingkod, at kaagapay mo sa pagsunod. Yung hindi bibitawan ang kamay mo sa paglalakbay. Kahit anuman ang mangyari.
"Only Quality People." Sila yung totoong magcecelebrate sa success mo. Sila yung hindi makikipagkumpitensiya at maiinggit sa'yo. Sila yung tunay na masaya para sa'yo. Kaya, mag-invest ka sa mga ganung uri ng tao. Kakaunti lang sila pero totoo.
Huwag kang makikipagkarerahan sa dinidikta ng mundo
Kasi mapapagod ka lang
Kaya huwag mong ikukumpara ang sarili mo sa iba
Pumanatag ka sa kung ano ang plano ng Ama
Dahil ang buhay ay hindi kung sino ang nauna kundi kung sino yung nakaabot sa dulo,
yun ang tunay na masaya.
Kung magmamahal ka ang tingnan mo ay kung papaano niya itrato ang tungkuling kaloob sa kaniya.Yung kahit anong mangyari mas uunahin niya ang Diyos kaysa sa'yo.
Kaya kapag natagpuan mo na siya, ingatan mo kasi mapalad ka.๐ฎ๐น
Minsan kailangan mong matutong sumayaw sa gitna ng unos at habang inuulan ka ng pagsubok, ang tingnan mo pa rin ay yung magandang plano sa'yo ng Diyos.
You deserve someone who is sure about you
You deserve someone who is real and consistent
You deserve a love that is worth the wait
Just be patient and pray for it.
Sa bawat plano mo
Unahin mo ang Diyos
Gaano man katindi ang pagsubok
Unahin mo pa rin ang Diyos
Tandaan mong walang nabigo kapag ang Diyos ang inuna mo
Hindi ka Niya iiwan sa bawat laban mo.
Magtiwala ka.
Paniwalaan mo pa rin yung taong nagmamahal sa'yo ng totoo kumpara sa mga bagay na maaaring makagambala sa relasyon niyo. Dahil sa ibabaw ng lahat, ang Ama pa rin ang nagsusulat ng istorya niyo.
Matuto ka lang magtiwala at maghintay.๐ฎ๐น
Dumaan ka man sa pinakamasakit na sitwasyon
Huwag mo pa rin sanayin ang sarili mong humingi ng atensiyon para lang mapansin ka
Dahil kusang ibinibigay yan, hindi nililimos
Sa halip, tahimik kang manalangin
Para pumanatag ka.๐ฎ๐น
Minsan papagurin tayo ng mundo
Yung halos maubos ang luha mo
At hindi mo na marinig ang pagsigaw mo
Kahit gaano pa katindi ang pagdaanan mo
Huwag kang tumigil sa pagpapanata mo
Dahil may Diyos na magpapalakas sa'yo.๐ฎ๐น