Nabiktima nanaman ako ni Mama dito!
Mama: Nagluto ako ng cheese sticks.
Me: Wow cheese sticks, gusto ko din yan
Mama: Yung tanigue. May konting sarsa.
FISH STEAK KASI MA
Mama: masarap ulam ngayon, fish stick. Gising ka na.
Me: gawa ka sawsawan Ma. Yung sriracha mayo natin.
Mama: bakit? Eh fish stick naman yun.
Me: kaya nga po. Para may sarsa.
Mama: eh stick naman yun. Stick.
Me: realizing…. FISH STEAK?! STEAK KASI YUN MAMA. STEAK! Hindi STICK!
Monday elevator series:
Kuya: Wala na po. Puno na po.
My instrusive thoughts waiting to be said out loud: Jeep lang yarn?
Pero I kenat kasi the elev was really puno. Like mararamdaman ni kuya sa harap ko kung tatawa ako na may paghinga hahaha
Dapat lagyan ng time limit pag order lalo kapag nasa harap ka na ng counter.
1..2..3.. NEXT! Pila ka ulit, kailangan mo pala 10 business days para maka decide kung bunwich o croissant eh.
NEXT! 🙄
Sa totoo lang, yung mga dentist gustong gusto nag kkwento habang may mga naksalpak na kung ano-ano sa bibig natin eh no. Hahaha!
Kanina muntik na ako malunod sa sarili kong laway + tubig dun sa mini hose na yun eh.
Final destination panic kicks in talaga.