Alam ko na maraming nadismaya sa mga kaganapan kagabi sa Senado. Kaya eto naman ang aking mga optimistic takeaways para mabuhayan kayo ng loob:
Una, merong limang magigiting na Senador na tumindig at nakipaglaban para sa interest ng ating Demokrasya. Kahit alam nila Sens. Koko, Risa, Grace, Nancy at Win na mabigat ang laban at matatalo sila sa botohan, nanindigan pa rin sila para sa tama. Ipagbunyi natin ang kanilang moral fortitude. Bihira na yan sa pulitika sa panahon ngayon.
Pangalawa, natuloy ang panunumpa at nagconvene impeachment court kahit ito ay plano nilang pigilan. Ibig sabihin rin nito na sakop na si Sara ng jurisdiction ng impeachment court.
Pangatlo, hindi natuloy ang outright dismissal ng kaso na ayon dapat sa plano ng duterte bloc. Sa madaling salita, buhay pa ang kaso and WE LIVE TO FIGHT ANOTHER DAY.
Ang tanong, ano na ang ating gagawin?
Ipagpatuloy natin ang ating pagtulak sa pagpatuloy ng impeachment trial para mapanagot si Sara sa kanyang mga krimen. Kailangan rin nating makilahok sa mga darating na pagkilos sa kalye at pag-iingay sa social media. Iparamdam natin sa mga Senador ang ating saloobin.
Antabayanan po ninyo ang mga susunod nating hakbang. Mabuhay ang Pilipinas!!!