Honorable Paolo Duterte, grabe naman ang haba ng post mo, at parang may personal kang galit sa akin. Bakit ako ang kinagagalitan mo, gayong China ang nangigipit sa mga Pilipino. Parang magkakampi pa kayo — pareho kayo ng linyahan. Pro-China ka ba, Sir?
PMA issue? Hindi ka pa ba naka-move on diyan? Kung pag-aaral ang gagawin nating sukatan, mukha namang mas maayos ang academic credentials ko ngayon kumpara sa issue mo.
Diplomacy daw? Sino ang nagsabi sa iyo na wala na tayong diplomatic engagement sa China? Ang mismong presence ng kanilang embahada at consulate offices dito ay patunay na tuloy-tuloy ang ating diplomatic relations. Baka hindi mo rin alam na mayroon tayong Bilateral Consultation Mechanism kung saan pinag-uusapan ang mga isyu sa West Philippine Sea.
Huwag kang malito: China ang may sariling interpretasyon ng mga insidente, ng UNCLOS, at ng 2016 Arbitral Award — hindi ako. Ang ginagawa ko lang ay ilahad sa publiko ang totoong nangyayari sa WPS. O baka ang gusto mo ay manahimik tayo habang hina-harass tayo ng China? Ang pananahimik sa harap ng agresyon ay hindi diplomacy — defeatist mindset iyan na wala na tayong magagawa.
Nagulat ako na concerned ka pala sa sakripisyo ng ating mga sundalo, Coast Guard, at mangingisdang Pilipino. Pero sa lahat ng pangigipit ng China sa kanila, ni isang statement ay wala kang inilabas. At correction: hindi kami ang nagpapainit ng sitwasyon sa WPS — China ang lumalapastangan sa karapatan natin bilang isang bansa.
Totoo, marami sa gobyerno ang nakakalimot sa kanilang trabaho, just like you. Kaya pumasok ka rin sa session ng Congress kapag may time ka, at gumawa ka ng batas — dahil iyan ang trabaho mo, Honorable Congressman.
HINDI pulitika ang laban natin sa West Philippine Sea, at hindi ako nagpapagamit kaninuman. Tinitindigan ko ito. At correction: may pakialam ang bawat Pilipino sa pulitika — dahil kami ang bumoboto sa inyo!
Huwag kang magkalat ng fake news, Honorable Congressman ka pa naman. Walang 10 million akong “ayuda.” Pero kumusta naman ang P51 billion na binanggit ni Usec Cabral noong nakaraang taon? Naubos na ba? Maraming naghahanap, lalo na’t bumaha na naman sa Davao. Huwag kang mag-alala — kukwestyunin rin yan balang araw.
Kamusta na raw sabi ng mga girls sa suki mong tambayan! 😉
Two hours of rain and this is how the national highway in Tibungco, Davao City looks like. Ganito na ang sitwasyon sa Davao city since 1990, when I first arrived in Mindanao. Thirty-six (36) years of Dutertes, and nothing really has changed in this city.
Alex Eala after becoming 1st Filipina in Open Era to reach Round of 16 of a Slam
“Maybe for someone like Iga who’s won so many slams or someone like Serena or Venus, this achievement may seem small, but for someone who grew up in the Philippines…”
🇵🇭🥹
History for Alexandra Eala 🇵🇭
The 21-year-old has knocked out defending champion Iga Swiatek to become the first player from the Philippines to reach the fourth round of a Grand Slam 👏