Ito yung political ad na nilabas namin nung 2016 campaign pero hinarang ng kampo ni duterte. Ngayon, alam nyo na ang epekto ng isang violent environment sa mga bata.
Lul! Hindi ka uurong!?! Congressman ka pero di mo kayang mag-attend ng impeachment hearing para ipaglaban ang kapatid mo. By the way, di mo ba idedeny ang mga milyones na nakuha mo kay Sammy Uy? Di ba nasa konseho ka nun? Masilip nga ang SALN mo.
TULOY ANG LABAN! BASTA!
Una sa lahat, maraming salamat sa ating lahat na tumindig kasama ni Senator Risa, sa mga hindi nagpadaig sa kasinungalingan,
sa mga lumaban sa disinformation,
at sa mga patuloy na nagtatanggol sa katotohanan.
Napatunayan natin na kapag sabay-sabay tayong nanindigan at matapang na pinabulaanan ang mga kasinungalingan,
kaya nating manaig laban sa kanila.
Salamat sa inyong tapang, sa inyong paninindigan at sa inyong pananalig sa katotohanan.
Muli tayong nasa isang yugto ng kasaysayan na tila bumabalik tayo sa panahon bago mag-2010.
Noon, talamak ang korapsyon at tila manhid na ang bayan. Ngunit isang bagay ang nagbago: nagising ang taumbayan.
Umalingawngaw ang sigaw ng galit at pag-asa at nang manindigan tayo, nagluklok tayo ng isang tapat na pamahalaan.
Napatunayan natin na posible ang malinis na gobyerno kapag sabay-sabay tayong lumalaban.
Ngayon, muling lumalaganap ang katiwalian. Ang usaping dati ay para lamang sa iilan gaya ng pambansang badyet ay ngayon ay pinag-uusapan na ng taumbayan. Binabasa, sinisiyasat, at kinukwestyon ng bawat Pilipino.
Iyan ang nagbibigay sa atin ng pag-asa.
May mga matapang na tinig na muling lumalaban, mga tagapagsalita ng katotohanan na hindi natitinag.
Ngunit mahaba pa ang laban. Kaya’t para sa ating mga nasa labas ng politika, malinaw ang tungkulin: panatilihin nating naglalagablab ang apoy ng malasakit at katapatan.
Kaibigan, pamilya, kapitbahay, kausapin natin sila. Ipaliwanag natin na ang korapsyon ay sumasakal sa lahat ng sangay ng gobyerno.
At tandaan: Ang pananahimik ay pakikipagsabwatan.
Ipalaganap natin nang buong tapang
ang Ebanghelyo ng Mabuting Pamamahala.
Tulad noon, nagsimula ang pagbabago dahil sabik ang bayan sa katapatan at dangal sa pamumuno.
Ang parehong sigla ay muling bumabalik at nasa ating mga kamay kung ito’y lalagablab o muling mamamatay.
Bawat isa sa atin ay may tungkuling gampanan. Ipagpatuloy natin ang krusada laban sa katiwalian at ipahayag ang katotohanan sa kapangyarihan.
Ang laban ay matagal, mabigat, at minsan nakakapagod. Ngunit sa bawat Pilipinong patuloy na tumatayo para sa tama,
naroon ang pag-asa ng bansa.
Hindi na tayo kailangang gisingin,
dahil gising na ang bayan at hindi na tayo muling matutulog sa harap ng katiwalian.
Laban! At ikulong ang mga kurakot!
REVILLA, ALCANTARA VISIT BULACAN FLOOD CONTROL PROJECTS IN 2023
Naungkat sa social media ang dating post ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office III na naglalaman ng mga litrato ng inspeksyon nina dating senador Bong Revilla, dating district engineer Henry Alcantara, at dating assistant district engineer Brice Hernandez sa construction ng flood control projects sa Paombong at Hagonoy sa Bulacan noong 2023.
Kasunod ito ng alegasyon ni Alcantara sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na tumanggap umano ng kickbacks sa mga proyekto si Revilla.
Wala pang pahayag ang dating senador sa alegasyong ito.
📷: DPWH Regional Office III
DDS ⬇️⬇️⬇️
Kakampink ⬆️
BBM Loyalists ⬆️
Pano ba yan mga ka DDS, bulusok pababa ang suporta para kay Tatay Digong at Sara Duterte? 👊
Akala niyo invincible kayo papuntang 2028? 👊
Bababa pa yan! 👊
#DDS#Kakampink#Halalan2028