Naging proud pa din kaya sila sa kin?
Ngayon ko lang na realize na wala palang pag post sa socmed na naganap nung gumdraduate ako ng college. Baka nga. Baka nga hindi ikaka proud kung wala namang Latin honor. Marami akong Laban na hindi nila alam. Pero kinaya ko. At tinapos ko.
Na-o-overwhelm ako. Hindi sa tuwa, kundi sa lungkot and stress. Hindi ko alam kung tama ba tong ginawa ko. Hindi ko alam kung may pinatutunguhan ba tong mga desisyon ko sa buhay.
Kaso habang patagal ng patagal, parang humihirap ng humihirap. Alam ko, ang dami ko na namang rants. Wala naman tho compared sa iba na doble kayod pero alam mo yun? Ang hirap mong isort out yang mga plano’t desisyon mo sa buhay kasi may mga bagay ka na kailangang iconsider.