Nababanggit ko, ang ‘di na dapat sinasabi,
Nadarama, mga damdamin na hindi na sana,
Nauulit, ang minsan lang sana nasambit,
Nalilimutan, ang ilang beses mong inulit.
#MgaNaiisipniRV#MgaTulaniRV
Minsan, mahirap pala ang madali sa akala mo,
Ang payak, maaari palang komplikado,
Ang banayad, minsan ay problemado,
Ang mayroon—wala pa palang kayo.
#MgaNaiisipniRV#MgaTulaniRV
Tatangayin ako ng musika,
Na s’yang himig nang ikaw ay makilala,
Subalit musika rin ang lulunod sa akin,
Nang lumisan ka na parang hangin.
#MgaTulaniRV#MgaNaiisipniRV
Pilipino laban sa kapwa Pilipino,
Pilipinas rin ang matatalo;
Bayan daw muna ang dapat mauna,
Subalit s’ya pa ang nalugmok sa dusa.
Nais ko na ang matuto,
Ako, sila at tayo;
Gamitin na ang talino,
Pilipinas naman ang ipanalo.
#PiliPinas#Pilipino#MgaNaiisipniRV#MgaTulaniRV
Kailan ka kaya mananalo?
O kailan kaya kami matututo?
Sawa na raw kami sa sistemang ito,
Kahit kami rin ang may gawa nito.
Nakakapagod maghintay,
O nakakatakot na ang bukas?
Kung ngayo’y parang nahihimlay,
Sa kadiliman, kailan makakatakas?
Sa pagitan ng mga hindi ko maunawaan,
Sa gitna ng mga pag-aalinlangan,
Sa bawat kawalan ng katiyakan,
Sana, matanggap kong ito’y pagsubok lamang.
#MgaTulaniRV#MgaNaiisipniRV
Hindi ko nais na naisin mo ang nais ko,
Ang nais ko ay matupad ang nais mo.
Dalangin lamang sana ang pag-ibig mo,
Kung ‘di man, sa ngayo’y sa’yo pa rin ang pag-ibig ko.
#MgaTulaniRV#MgaNaiisipniRV
Espasyong ikaw naman ang humingi,
Ibinigay ko kahit nais tumanggi.
Sa paglipas ng panahon ay lumayo,
Espasyong sa dulo’y ako, wala ng tayo.
#MgaTulaniRV#MgaNaiisipniRV