WALA MUNANG PAROL SA MAYNILA
Inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi muna siya magpapalagay ng mga parol sa buong Maynila sa darating na holiday season.
“Ayaw ko namang makapamuhay nang marangya tapos magdadahilan ako sa inyo ng ‘nganga,’” saad niya.
“Pero hindi ibig sabihin n’un walang parol, walang Pasko. Basta ang importante sa Pasko, nand’yan ang pamilya natin,” dagdag pa ng alkalde.