— tumatanda na si mama at papa at never pa nilang naranasan na mabuhay nang marangya. lord, ipanalo mo lang ako sa buhay at babawi ako sa kanila.
sana manalo tayong lahat sa buhay. sana matupad natin ang mga pangarap natin, ang mga pangarap nila.
Habang tumatanda ka you're also learning to appreciate quiet moments noh? You just suddenly got tired of all the noise, arguments & competition na di na nakakatulong sa mental health mo. So,spend your time in meaningful conversations with people who make you see life more better.
— May pangarap ako. Kahit hindi halata, nakakaramdam din ako ng pressure at takot na baka hanggang dito na lang ako. Gusto kong umahon. Gusto kong umangat. Madalas mang hindi ko ipinapakita pero nahihirapan din ako. Natatakot din.
So, ang aklat ni Sara ay tungkol sa isang loro na tinulungan ang kaibigang kuwago na itayo ang nasira niyang bahay dahil sa bagyo. E di ba nagpunta si Sara sa Germany sa kasagsagan ng bagyo at iniwan tayo? Ano ini-eme niya sa libro?
Araw araw na lang kinakabog ng drama sa pulitika ang mga drama sa telebisyon. Mapapailing ka na lang talaga at mapapatanong kung bakit tayo humantong sa ganitong sitwasyon?
Ang dapat bawasan ay yung mahabang bakasyon ng mga mambabatas. Ang mga ordinaryong manggagawa bilang lang ang paid leave. Kayo po, gaano katagal ulit ang break sa isang taon?
— Wag kang ma-pressure. Hindi mo kailangang maghabol at magmadali. Doon ka pa kasi lalong magkakamali.
Kalmahan mo lang. Dahan-dahan. Wag ikumpara ang progress mo sa iba. Ikaw yan eh. Iba naman sa kanila. Focus lang. Doon ka lang sa linya mo.