Naging emosyonal ang ilan sa kasama natin kanina sa Awarding ng Sertipiko bilang Benepisyaryo nang programa sa Pabahay.
Nasa 700 na residente-benepisyaryo-pamilya ang na-awardan kanina sa 2 lugar: ISMAR KALAWAAN (500+) at LAND FOR THE LANDLESS PALATIW (160).
Pagkatapos ng 4 na dekadang pakikipaglaban at paghihintay, nasolusyunan ang mga problema sa lupa mula 2019-2022. Ngayong 2023, may awarding na (ibig sabihin, tiyak at may kasiguraduhan na ang mga benepisyaryo).
๐ Sa ISMAR (Pics 1&2): (a) tumulong kami para magkasundo ang dalawang samahan at (b) binili ng LGU ang lupang kinatitirikan ng mga bahay nila (para wala na silang ibang kausap; huhulog-hulugan na lang nila ito).
๐ Sa "LAND FOR THE LANDLESS" (Pics 3&4), may mga inayos na legal matters. Hindi to naging madali dahil may mga dokumentong nawala (o hindi nagawa nang maayos) kaso wala na yung mga empleyadong responsable para rito.
#Pasig450 #ArawNgPasig