As-salamu alaikum. Nakikiisa at taos-puso kong binabati ang mga kapatid natin kay Allah sa pagdiriwang ng Eid-al-Adha o ang Festival of Sacrifice.
Nawa’y sa ating paggunita ng pananampalataya ni Propetang Ibrahim at ng kanyang pamilya, magbunga rin ang ating mga sakripisyo ng matibay na pananampalataya at pagmamahal sa kapwa.
Nawa’y pagpalain tayo, ang ating mga pamilya, at ang ating Lupang Hinirang ng Diyos at bigyan ng katarungan, pag-asa, at lakas ngayong panahon ng krisis.
Ipagkaloob Niyo po ang kapayapaan at masaganang handaan sa bawa’t tahanan ng mga kapatid nating Muslim. Nawa’y umapaw ang mga alay na kambing at baka na pagsasaluhan at may mauwi pang pa-Sharon.
Eid Mubarak!