THE WORD | 1 Tesalonica 3:13 (ADB 1905) β October 8, 2026
Upang patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal.
THE WORD | 1 Tesalonica 3:12 (ADB 1905) β October 7, 2026
At kayo'y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pagibig sa isa't isa, at sa lahat ng mga tao, na gaya naman ng amin sa inyo;
THE WORD | 1 Corinto 3:6-7 (ADB 1905) β October 5, 2026
6 Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig; nguni't ang Dios ang siyang nagpalago.
7 Ano pa't walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago.
THE WORD | Juan 14:6 (ADB 1905) β October 1, 2026
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
THE WORD | 1 Juan 1:7 (ADB 1905) β September 28, 2026
Nguniβt kung tayoβy nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isaβt isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.